Kabanata 28

3 3 0
                                    

Kabanata 28
Let's talk


"Papasok ka ba bukas?" Mahinang tanong ni Zael. Umungol ako bilang sagot dahil tinatamad ako magsalita.

"Don't moan, you're provoking me." He spat. Ngumisi ako doon at umungol ulit.

"Moan again. Try me." Tumaas ang kilay ko sa banta niya. What will you do?


I moaned.

Rinig ko ang marahas niyang hinga at iilang mura kaya tumawa ako. What a beast you are, Zael.

Binaba ko ang telepono pagpatak ng alas dose ng hating gabi. Binlock ko rin pansamantala ang numero ni Zael dahil ayokong magambala niya ang pag-iisip ko.

He helped me to feel better again. Tawag lang 'yun a. Partida.

Kumatok ako sa kwarto ni papa. Walang sumagot doon. Is he sleeping? Kumatok pa ulit ako ng tatlong beses at nang mapansin iyon ng isa naming tauhan ay lumapit siya sa akin.

Tumango ako. Binibigyan siya ng pahintulot na magsalita.


"Your father is in the Padded Room, Ms. Fermossel." He respectfully bowed too. Pinaalis ko siya at bumuntong hininga.


Hindi iniwan ni papa si Phiel.

I want to experience that desperation of yours papa. Iyon bang hindi ka rin aalis sa tabi ko kapag may nangyari sa aking masama. Kasi si Phiel, alam naman nating magigising pero hindi mo iniwan.

I laughed at my own thought. I was shot weeks ago and he didn't even stay. Nagalit pa nga eh. And now I'm wishing this? Err.

Well, okay lang naman ako. My brother needs him the most kaya dapat lang na nasa tabi niya si papa. They're bestfriends after all.

Naghanda ako ng makakain ni papa at inihatid ito sa baba. Kung kanina pa siya sa baba ay hindi pa siya kumakain. He needs to eat. Baka siya naman ang magkasakit.

Nadatnan ko ang ama na nakasandal at nakatitig sa aking kapatid na tulog pa rin. He's staring intently at Phiel with an emotion that I've never seen before towards me. He loves my brother so much.


"Papa." Tawag ko.


Lumingon siya sa akin. Nagtataka kung bakit naroon ang aking presensiya. Nagtatanong kung bakit ako nagpakita. Inangat ko naman ang tray para ipakita ang pagkain na para sa kanya.


"Put it on the side." Pagod niyang sabi.


Dali-dali ko itong binaba. Sana kainin niya at huwag niyang itapon. Wala naman iyang lason. I don't want him skipping meals.


"Bakit si Israphiel pa?" Bulong niya.


Humarap ako sa kanya at nakatitig siya sa aking kapatid gamit ang naaawang ekspresyon.


"Bakit siya pa?" Ulit niya at tumingin sa akin.

"Bakit hindi nalang ikaw? You can handle it." He said.


Yumuko ako sa hiyang naramdaman para sa aking sarili. Kinagat ko ang labi dahil sa panginginig nito. Damn it.

Am I asking too much if I want him to care for me? I just want the bare minimum papa. Kahit kaonti lang.


"Ngayon lang niya naramdaman ang ganitong bagay. My son doesn't deserve this." Hinawakan niya ang kamay ni Phiel at inilagay sa kanyang pisnge.


I deserve it then?


"Eat your food papa." Sabi ko bago umalis doon.


It's too much if I want him to look at me that way. It's just too much.

Hayaan mo na nga. Okay lang naman ako.

Inutusan ko ang gwardiya na ligpitin ang tray kung sakali mang kakain si papa. Sinabihan ko rin sila na tawagan ako kapag gising na ang kapatid ko.

Kumuyom ang aking kamao sa gigil na naramdaman. Ang imahe ni Phiel na puro dugo ang mukha ay hindi kailanman magiging okay para sa akin.

Whoever you are. Whoever tried to hurt my brother. Please come to me. Huwag mo ng patagalin. Huwag niyo ng patagalin. Kasi kapag mas matagal kang nagpakita, mas masakit ang ipapataw ko sa'yong parusa.

In-unblock ko ang numero ni Zael. Agad namang tumawag ito na para bang kanina pa siya naghihintay.


"Did you just block me?" Pagalit niyang tanong.

"Yeah." Honest ko namang sagot.

"Why? Are you talking with your boy toy?!" Paratang niya agad. Umirap ako doon.

"Shut up."

"Okay, baby." He chuckled.


Pinatay ko ang tawag dahil sa pag-ikot ng tiyan. Tanginang yan. Bakit may pag-baby?

Isa pa 'to sa mga problema ko. How can I make him stop? Paano? Mahirap patigilin ang taong ito lalo na't may parte sa akin na ayaw din naman siyang pahintuin.

Punyeta.

My phone rang again and I answered it without looking.


"You should stop calling me that." Panguna ko.

Curse of the WindWhere stories live. Discover now