Kabanata 9
WelcomePagkauwi ay hindi pa rin halos bumalik ang kulit ni Phiel. Pinakuha ko siya ng grapes ko at ngayon ay nandito na siya sa kwarto at nagkikwento.
I like this better. This is my brother.
"By the way, may talent ka na bang ipapakita? May program ang school bukas." Sabi niya na nagpataas ng kilay ko. Bakit alam niya iyon at ako hindi ko alam?
"Hindi ako papasok." I feel tired. Pagod ka ba talaga? Tanong ng kung sino mang kupal sa loob ko kaya minura ko ang sarili ng palihim.
"Bakit!? Pwede mo gawain ang kahit na anong gusto mo doon!" Eksaherado ang reaksiyon niya. Pinanliitan ko siya ng mata.
"What exactly do you want me to do kuya?"
Lumunok siya at nagkamot ng ulo. "You can paint or sing infront of them." At?
"Go on." I said. Lumunok ulit siya.
"Pwede ka ring sumayaw." Tumaas ang kilay ko. And?
Come on. Say more Israphiel. Be direct to the point.
"Gusto kita panoorin kaya nilista kita sa magpeperform!" He finally said at nagtakip ng tenga. Remind me again that he's older than me.
"Hindi nga ako papasok." I said lazily. Prinoseso ko ang huling sinabi niya at sinamaan siya ng tingin.
"You did what!?" Sigaw ko sa kanya kaya umatras siya.
"I want to watch you sing!" Ngumuso siya. That's not your only reason. The Phiel I know is not dumb and shallow.
"Seriously, what is it?" Madami akong iniisip. Dumagdag pa ito. Ano ba kasi 'yon?
"Papa will be there." Sobrang hina non. Umirap ako. Ano ngayon?
"Maybe he wants to see you perform in front of other people too!" He exclaimed. Ngumiwi ako. I doubt that. Baka nga mag-walk-out pa siya kapag nakita niya ako sa gitna.
"Dream high kuya." Sabi ko at nagtalukbong ng kumot. Niyugyog niya naman ako at paulit-ulit na kinukit.
"Sige na! Sige na please! Sige na kasi!" Paulit-ulit niyang sabi. Padabog akong umupo at en-ekis niya naman ang mga braso niya sa dibdib niya. Nagulat.
"Mapapahiya ako kapag hindi ka um-attend! Come on sister! Do it for me? Okay?" Aniya kaya mas lalong sumama ang tingin ko. Eh kung balian ko ng buto 'to?
"Bahala ka mapahiya." I said. Nahiga ulit ako at nagtalukbong ng kumot. Niyugyog niya naman ulit iyon. Gusto ko lang matulog naman!
"Okay! Can you leave now?! I need some sleep!" Iritado kong sabi pagkatayo at sunod-sunod naman siyang tumango. Kinuha niya ang maliit kong daliri at nagpinky promise doon.
"Thank you! Good luck sister!" Sabi niya habang palabas. Hinilot ko ang batok ko. Papasok ako bukas pero hindi ako pupunta sa program. Bahala ka diyan.
Isa at kalahating oras na ang nakalipas ngunit dilat na dilat pa rin ako. Okay, what do you want self? Mabilis akong makakatulog dapat dahil pagod ang katawan ko.
Pumikit ako ng mariin nang maalala ang halik ni Zael sa leeg ko. Halos makalmot ko ang unan sa gigil ko. Why did he do that? Normal naman ang damit ko at walang nakakaakit doon. Ganoon ba talaga siya? Diba galit siya sa akin?
Sa sobrang dami kong iniisip ay tahimik na pinaglaruan ko nalang ang gitara ko. Tumigil lang ako ng dumugo na ang mga daliri ko. Nakatulog din ako agad.
Kinaumagahan ay excited nga ang lahat para sa program. Okay. What's with it? Excited ako sa pagkain. Ayoko ng mga program. At bakit nga pala pupunta si papa? Kinamot ko ang ulo ko. Hindi ko nga pala dila ang gitara ko. Ayoko nga kasi mag-perform.
YOU ARE READING
Curse of the Wind
AksiScience tells us that the thing that we need the most to live, is air. The wind. But what if the wind carried something to you that made your heart stop beating? Is it still the thing that we need? Or is this the curse of the wind?