Kabanata 22
Anghel
"What kind?" Nakangiti siya. Nasinagan ng araw ang maitim niyang balat at kuminang ito.
Very different to someone that I know....
Umiling ako. Nah. Not a good day to think about him.
"Your place. Bring me somewhere."
Tumango siya at naglahad ng kamay.
"I can walk." I said. Tumawa naman ito.
"No. Your keys. Magmomotor tayo." He smiled. I smiled too.
Hinayaan ko siyang imaneho ang motor ko. Hindi naman ako madamot. Ayoko rin magpagod at gusto ko magpatianod nalang sa kung saan man ako dadalhin ng hangin.
"Hey. Tara?" Tinabingi ko ang ulo sa kanya. Seryoso?
He bought me to a near rose garden... or I don't know if this is a garden or what. May malaking rosas na sticker sa pintuan nitong makapal at gawa sa kahoy. This place is too girly. I don't like it.
"Come on." Hilaw akong ngumisi sa kanya. Haha. Tambayan niya ganito? Okay?
Pumasok kami sa loob at napahinto ako sa nakita. Kung ano ang disenyo sa labas ay malayong-malayo sa loob. Ang loob ay western style. Lahat ay halos western style. Barrel ang nagsisilbing upuan at may mga ulo ng oso sa mga gilid. This is a bar!
"I knew you'd like it." He smirked. I smiled at him.
"That's cool." I said.
"Earl!"
May lumapit sa aming lalake na may puting balbas at malaking pangangatawan. May katandaan na ito at mukhang retired body builder.
Kilala niya si Earl. So this really must be his tambayan huh. Beer drinker. I'm not a fan of beer but it's okay with me.
Ngayon ko lang napansin na marami ding mga tao. Pero kung iraranggo kaming lahat ay pinakamaganda ako.
"You bought someone huh?" Bumaling ang lalaki na kumausap kay Earl sa akin.
Bahagya siyang ngumanga nang ngumiti ako. I laughed. Alam kong maganda ako, ano ba.
"Wow." Tumawa kami ni Earl sa reaksiyon niya. I know. Ganyan rin ako minsan kapag nakikita ko sarili ko sa salamin.
"Winston, my lady." I smiled at him. Hinalikan niya ang likod ng aking palad.
"I'm Zike." Ngumisi ito at tinapik si Earl sa balikat.
"You're a lucky boy." Sabi niya at umiiling-iling pa. Ngumiwi naman si Earl at pinamulahan ng tenga.
"Give us the specialty and some arrows please." Tumango si Winston sa sinabi ni Earl. Bago umalis ay kumindat ito sa akin.
Umupo kami sa barrel at iginala ko ang aking mga mata sa lugar. I didn't expect this but I'm not complaining. Mas maganda na ito sa hardin ng mga rosas na aking inaakala. Much much better.
"You like it?" Tanong niya. Tumango ako.
"Una kitang nakita sa firing range and you're really good. I feel like you like men's sport so I brought you here." He said. Kumunot ang noo ko doon.
Men's sport? Kung sport pala ng mga lalaki iyon ay bakit hindi nila ako matalo? Patawa.
"Where are your two friends?" I asked.
"They stayed in Ateneo. I transfered here so I can guard my sister. And then I saw you again. Lucky me." Ngumisi siya. Napangisi din ako doon. He is confident and cocky.
"You're taking architectute." I stated. Umangat ang labi niya doon.
"How'd you know?"
"Lagi kang nasa grupo ng mga architects at lagi kang nakatingin sa akin." He bit his lip. Inasikaso ko nalang ang bagong dating na pagkain para hindi siya mahiya. Kahit na mukhang wala naman siyang hiya.
"Yeah. That's the case." Uminom agad siya ng beer. I tried too but nah... hindi ko talaga gusto.
Tinitigan ko ang tatlong arrow na nakalapag sa lamesa. Iba't-ibang kulay ito at bakal ang dulo. Kayang-kaya makapatay nito kung tanga ang humahawak. These are dart arrows. But where's the dart?
"Bottles up!" Sigaw ni Winston sa dulo.
Lahat ng mga tao ay inangat ang baso nila ng beer. Na para bang nag-aalok sila. Nakangiti ang lahat na akala mo'y celebration ito ng World Beer's Day.
"Anong meron?" Tanong ko kay Earl. Nagkibit-balikat siya.
"Zike here is a new costumer!" Turo sa akin ni Winston.
Tumingin sa akin ang mga tao doon at naghiyawan. Okay... ano talagang meron?
"And for that, we need you to participate in the game called Darts." Dugtong ni Winston at ibinaba ang mga kahoy sa kabilang dulo.
May kurtinang nakaharang dito at kung tatansyahin ko ay kasinglaki ito ng whiteboard sa escuelahan.
YOU ARE READING
Curse of the Wind
ActionScience tells us that the thing that we need the most to live, is air. The wind. But what if the wind carried something to you that made your heart stop beating? Is it still the thing that we need? Or is this the curse of the wind?