Kabanata 7
KidNormal ang mga sumunod na araw para sa akin. Walang kumakausap... kung mayroon man ay patungkol sa groupings lamang. Sinasagutan ko lang rin ang mga sinasabi ng professors at napeperfect ko rin halos lahat iyon.
Kapag may libreng oras naman ay sumusulpot si Adriana. Hinihila niya ako papuntang rooftop at dumarating din si Easton. Nagbabangayan sila. Hindi natatapos ang araw ng hindi sila nagkakapikunan.
"Hoy balita ko hindi na daw magagamit ni Yohann ang right hand niya. Grabe naman kasi yung ginawa ni asdfghjkl." Hindi ko na narinig ang sumunod na salita dahil binulong nila ito.
Ilang beses ko ng narinig ang pangalang Yohann ngayong araw. Kapag naririnig ko ito ay titingin sila sa akin at nawawala rin agad ang mga kasunod na mga salita.
Wala rin naman akong pake.
May kumaway na maliit na buntot sa akin at iyon nalang ang gulat ko ng makitang ang puting pusa iyon!
Kapag nakuha talaga kita iuuwi kita. Tapos sana kalmutin mo si papa.
Dahan-dahan akong naglakad papunta dito. Sakto at hindi nag-ingay ang rubber shoes ko. Ang sabi sa Google ay hindi dapat ginugulat ang mga pusa dahil napapatakbo sila at mas lalong hindi sila sasama. Baka kalmutin ka pa. Kaya kailangan mo muna silang amuhin at pakainin.
Dalawang araw na mula nang makita ko siya sa rooftop. Simula din noon ay nag-iwan na ako ng pagkain kung saan ko siya huling nadatnan pero kada balik ko doon ay hindi naman iyon nababawasan. Kaya dapat mahuli ko siya ngayon dahil kailangan niya ng kumain. Mangangayayat siya.
Hindi niya ako nakikita at tahimik na naglalakad ang munting kuting. Ang cute na buntot nito ay kumikembot habang lumalakad gamit ang maliliit nitong mga paa. Papunta ito sa locker room.
Tahimik ko pa rin itong sinundan. Nalilibang ako. May klase pa ako pero heto ako at sinusundan ang pusa. Huminto ito at huminto rin ako. Humarap ito sa akin at tinitigan ko rin naman ito. Sabay pa ang pagtagilid namin ng ulo.
May tao sa likod ko hindi ba muning? Gusto kong itanong sa kanya iyon ngunit alam kong naghahanap lang din ng tiyempo ang tao sa likod ko.
Nanlaki ang mga mata ng pusa at iyon na din ang hudyat ko para yumuko. Hindi nga ako nagkamali dahil eksaktong pagyuko ko ay may nagswing ng baseball bat sa ulo ko! Malakas na tumama ito sa mga locker!
Pag-angat ko ng ulo ay nakita ko ang pamilyar na maskara. Itinagilid ko ang ulo ko at pinagmasdan ang kabuuan niya. Hindi siya ang lalaking sumakal sa akin noong nakaraan.
Babae ito ngayon. Mas maliit sa akin.
Itinutok niya sa akin ang baseball bat at gusto kong matawa dahil nanginginig ang kamay niya. Ang lakas sumugod pero kabado.
"Palo." Sabi ko.
"Ano?" Pilit pagpapalaki niya sa boses niya. Ngumisi ako lalo.
"Paluin mo 'ko." Pakanta ko itong hamon. Mabilis din naman ang pagsugod niya sa akin at walang kahirap-hirap na naiwasan ko ito. Tumama nanaman ang bat sa locker at gumawa ito ng nakakabinging ingay.
"Huwag kang magmadali sa pagpalo. Hindi naman ako aalis. Lakasan mo. Para mas masarap sa katawan." Pang-aasar ko kaya sumugod ulit siya.
Sunod-sunod ang sugod niya pero walang tumatama sa akin. Ang mga kamay ko ay nakalagay sa bulsa ng aking pantalon at patuloy lang siyang iniilagan.
"Mali ang pagkakahawak mo sa bat. Ayusin mo." Sabi ko pa at nabigla ako sa palo niya kaya nadaplisan nito ang jacket ko. Ramdam ko agad ang pagngisi niya sa ilalim ng maskara.
YOU ARE READING
Curse of the Wind
AksiScience tells us that the thing that we need the most to live, is air. The wind. But what if the wind carried something to you that made your heart stop beating? Is it still the thing that we need? Or is this the curse of the wind?