Kabanata 24
Nagmakaawa
"What happened to you?" Eillon asked when I got home.
"Thanks." I responded.
Hindi ko alam kung paano ako nakapagmaneho ng ganito ang estado basta ang alam ko lang ay nandito na ako sa bahay namin at kasalukuyang nakatihaya sa kama ko.
Si Abelia ay nakatitig sa akin at hindi ko siya matingnan. Do cats remember the things that we did?
Bakit ako matatakot? It's not like they can talk.
But what if there's a cat to human translator?
What the fuck am I thinking? Napahilamos nalang ako sa mukha at padabog na dumapa. Punyeta.
What Zael did is extremely... out of my hands.
Hinalikan niya ako pagkalabas ng kwarto niya. Hinalikan niya ako sa may kusina. Hinalikan niya ako pagkalabas ng bahay. Hinalikan niya ako sa may garahe at ultimong pagkasakay ko sa sasakyan ko ay hinalikan niya ako.
Anong ginawa ko? Wala.
Dahil hindi ako makagalaw at hindi ko rin alam ang gagawin.
I'm not sure if I want to move too.
Hindi siya ang pinakaunang lalaki na humalik sa akin pero siya ang pinakauna na nagparamdam ng ganoon sa akin.
Buong buhay ko ay alam ko ang mga desisyon na gagawin. Hindi kailanman nagtalo ang utak at puso ko pero ngayon ay nagsisigawan sila.
Sabi ng puso ay hayaan ko ang nararamdaman, sabi ng utak ay mali itong desisyon.
Tama ang utak.
Pero masarap siya humalik?
Mabilis na nag-init ang mukha ko at sinuntok ko ang mga unan na malapit sa akin. What the fuck!!!
What should I do next?
Should I just go back to the government and do my work there and never come back here? Or just pretend that nothing happened let it all go?
Yeah. Iyong huli ang mas tama.
Halik lang naman iyon. Nadala lang siguro siya. Kasi nga maganda ako.
He's older than me and it's not shocking if he bed lots of woman already. Kapag mas tumatanda ka ay mas tumataas ang sex drive mo. Lalo na at lalaki siya. He has his needs too.
Tumihaya ulit ako dahil hindi na ako makahinga sa pagkakadapa. Kinapa ko ang puso at minura ito ng paulit-ulit dahil mabilis pa rin ang tibok niya. Estupida.
Mali ang nararamdaman ko. Maling mali. At kapag mali ang isang bagay ay dapat hindi na patagalin. Kailangan ng tapusin. Tama? Oo tama. Tapusin na.
Mali ba talaga?
Pumikit ako ng mariin. Nabuhay ako at trabaho agad ang aking inatupag. Trabahong ipinasa sa akin ng angkan namin at trabahong tinanggap ko dahil iyon ang nakaatas sa akin. Nanumpa akong walang sisiraing pangako. Kaya dapat itigil ko na 'to.
Sure ka?
Putangina...
Paulit-ulit na nag-away ang puso at isipan ko kaya naman ang ending ay puyat ako. Tinakpan ko ang eye bags at pinaganda ang aking itsura kahit na natural akong maganda.
Tahimik kami ngayong nagumagahan. Hindi ganito lagi kaya umalis rin ako agad kahit na hindi pa ako nakakain ng maayos. Ayaw ko ng ganoon sila. Kung mas okay sila na wala ako, edi aalis ako. Simple.
"Ms. Fermossel, you're here. May test kaming ginawa noong nakaraan. Do you want to take it?" Tanong ng professor, umiling naman ako.
Kung hindi niya ako tinawag ay malamang lutang ako buong araw.
"No, miss." Matamlay kong saad.
"Dapat lang. Absents shouldn't be given second chances." Sabat ni Rico na buhay pa pala.
"Students should always have a chance to cope up. Malay natin may ginawa si Fermossel na importante. Right, class?" Anas ng guro.
"Tama ka diyan ma'am."
"Bait talaga ni ma'am."
"Sexy pa."
Naghalak-hakan ang mga kaklase ko. Nagkunwari akong tumawa at nagpatuloy naman ang guro sa pagtuturo. Umirap si Rico sa akin bago tumingin sa harap.
Tuloy-tuloy ang klase at hinayaan kong kainin ako ng utak ko. Halo-halo ang nasa isipan ko at hindi ko alam ang uunahin kaya hindi nalang ako nag-isip.
"Hey! I have my kit!" Amoy strawberry nanaman ang hininga ni Easton ang bumungad sa akin. Ngumiti ako doon.
I texted him. Sumakit kasi ang balikat ko dahil hindi ito nalinis. Israphiel is ignoring me so wala akong taga-alalay. Ayoko rin namang tawagin si Eillon dahil baka magalit din sa kanya si papa kaya si Easton muna ang inistorbo ko.
"That's weird. He left his sister slash patient. Phiel never did that before. Kahit hindi niya nga pasyente ay hindi niya iniwan. Ikaw pa ngayon na kapatid niya ang hindi niya ginagamot?" Pagkuda niya.
YOU ARE READING
Curse of the Wind
ActionScience tells us that the thing that we need the most to live, is air. The wind. But what if the wind carried something to you that made your heart stop beating? Is it still the thing that we need? Or is this the curse of the wind?