Prologue
Why did I agree to go out again?
Pinalaki kasi akong madalang lang lumabas-labas. Parang nakasanayan ko na lang na ganoon. Weirdly, I find comfort whenever I am at home, though this particular request from Willow made me suddenly go out. Para akong binubulungang sumama kaya nandito na ako ngayon sa Guimaras kasama ang kaibigan.
"Saint," Willow called me.
I stared blankly at her. "Yes?"
Inismidan ako at hinila na para maglakad. Bumuntonghininga ako at nagpatianod na lang sa kanya. My bestfriend somehow convinced me to go to Manggahan Festival with her. Isa pa, hindi lang naman siya ang sadya ko rito kaya mabuti na at nagyaya siya para hindi ako nag-iisa.
"You are legal now. Eighteen ka na kaya payag na si Tita. Ikaw lang naman ang ayaw."
"I know, nandito na ako kaya-"
"Oo nga. Pero tignan mo naman iyang mukha mo. Kakababa pa lang natin sa bangka, eh, buryo ka na kaagad. Sige, ganito... hanapan na lang kita ng mga haciendero, 'yong may malapad na manggahan!" she clapped her hands merrily.
"Willow-" akmang saway ko sa kaibigan.
"Tigil-tigilan mo na iyang boyfriend mong babaero. Wala kang mapapala sa kanya!"
In any way, Willow clearly doesn't trust him. She thinks all he does is cheat around on his gigs and without me knowing. Hindi ko pa naman nahuhuli sa akto, if I catch him now, then, baka pa lang mapatunayan ko na ang mga paratang niya.
"He treats me right-"
Willow scoffed. "Anyone can do that too, Saint. Hindi ko na talaga alam kung bakit ka pa nagtitiis sa kanya. I get it, okay... he's good looking, pero hindi 'yan sapat na rason para magtiis ka!"
Fine. Tutal nandito na rin naman kami sa Guimaras ay ituloy na lang 'tong planong paghuli sa akto kay Connor. Not gonna lie, malaki na ang suspetsa ko sa kanya lalo't isang linggo na siyang walang text o paramdam man lang. As a lady, my intuition tells me something serious is really up here.
Magkakaalaman na.
Suminghap ako bilang pagtugon sa kaibigan. "That's why we are here, right? Isa pa, hindi no'n alam na paparito tayo. So..."
Tumango siya sa akin bago pumasok ng tricycle. She booked us an airbnb near the rave's venue. Doon kami tutungo ngayon.
Ibang-iba talaga ang Guimaras sa Iloilo, I must say, it's greener and peaceful compared to the metro. Kahit pa maraming turista ngayon dahil sa festival.
Huminto ang tricycle sa tapat netong apat na palapag na apartment. Nauna akong lumabas saka kuryusong nilibot ng tingin ang paligid, plaza na pala ang nasa tapat. Nauna si Willow na pumasok saka ako sumunod.
Nasa ikatatlo kaming palapag, wala pang elevator kaya hingal ako nang makapasok ng kuwarto. Dalawang double bed ang nasa loob, may balcony rin na mas nagpaaliwalas sa paligid.
"What are we gonna do today?" tanong ko sa kaibigan nang maupo sa gilid ng kama.
Nilapag niya muna ang bag sa kama bago ako hinarap.
"We'll see? Nasa tapat lang ang plaza. Doon naman ang lahat ng mga activities. Are you ready, though? Labas na tayo kung ready ka na."
Tumango ako biglang sagot. Pagod man ay mabuting ubusin na ang oras sa paglilibot, sayang naman kung magpapahinga pa.
Pagod kong pinaikot-ikot ang telepono sa kanang kamay habang nag-aantay kay Willow na bumaba rin. Di-ni-debate ko ang sarili kung dapat ko pa bang i-text si Connor o hindi na. Sa huli, napagdesisyunan kong ipagpaliban na. Isa pa, busy na iyon para sa set niya mamaya sa rave.
BINABASA MO ANG
Deceive me, Love (Buenavista Series #1)
RomanceFirst book of Buenavista Series Saint lost her trust in love when she caught her boyfriend cheating during Manggahan Festival in Guimaras Island. Nawala na ang tiwala niyang may matino pang lalaki sa mundo ngunit paano kapag may makikilala siya sa g...