Chapter 3
FancyThe crowd dissipated.
May ibang nanatili para makinig pa. Bigla akong nanlamig dahil siguro'y siya 'tong pinagtitilian last week sa tapat ng elementary. Iyong akala kong artista? Masasabi ko dahil sa masasakit na tingin na pinupukol ng iba sa akin ngayon.
Humiwalay ako sa pagkakahawak namin ng kamay.
"I found you," namamangha niyang sabi.
Umupo muna ako sa bench dahil nanghihina ang mga tuhod ko nangyari. Pilit kong kinakalma ang nagkukumahog na puso sa ideyang nahanap ko siya. And he said he found me?
That means...
His ashtonishment is clearly seen on his pretty face. Natatawa niyang binasa ang ibabang labi bago tumabi ng upo sa 'kin.
"Wow," I gave out a nervous laugh. "I found you as well?"
Hindi ko kayang tignan siya sa nang matagal dahil nakakalunod. Nakakalulala talaga ang mga mata niya.
"Hindi na kita nahanap pa pagkatapos ng gabing 'yon. Did you go after that night?" he asked.
So, tama naman pala ang hinanap niya ako pagkatapos ng gabing 'yon? I thought na nagdedeliryo lang ako at nag-i-imagine nang imposible. Sumilaw ang ngiti sa akin.
"Yes. Tapos na rin naman kami sa paglilibot kaya umuwi na rin." umayos ako ng upo.
"What do you take up here?" pag-iba niya sa topic.
"Ah, nursing." nanginginig masyado ang boses ko.
Natawa siya bahagya, siguro dahil tipid ang mga sagot ko sa kanya. "I thought I won't see you again,"
"Oo nga. I thought so too..."
Ang tipid akong magsalita kaya nakakapagtaka naman. Hindi ako ganito, I talk a lot but now I am freaking tongue-tied in front of him. Binaling ko sa langit ang tingin nang akmang may idadagdag siya. Mukhang uulan pa kaya tumayo na ako para umalis na lang.
"Pasensiya na pala paghablot ko kanina sa'yo. Desperado na kasi akong itaboy iyon paalis."
"And what else are you sorry for?" sumilaw ang ngiti sa labi niya.
Tumikhim ako at umusog ng upo lalo't ang lapit-lapit na pala namin sa isa't isa.
And what else I was sorry for? Shit... the kiss!
"A-And for the sudden kiss. I'm so sorry, I really had no choice. Hindi niya kasi ako titigilan kapag hindi ko ginawa ang halik kanina."
Range nodded. Bumaba ang tingin niya sa kamay kong nangingig na. Mabilis kong itinago ang kamay kaya niya inangat ang tingin sa akin.
Nervously, I cleared my throat.
"It's fine. No need to be sorry. Alam ko naman ang rason mo," aniya. "But can I see you around? This is a small campus, you know, and I like eating in coop."
Kumurap-kurap ako sa kanya lalo't 'di naman mahina ang utak ko para hindi malaman ang ibig niyang sabihin. Iba na 'to. Malapit kasi ang coop sa NB, tapat lang.
He likes me, huh?
"Uh... bahala ka kung ano ang gusto mong gawin,"
Umismid siya sa maldita kong sagot.
Nakita ko na iyon na rason para umalis na. Tumayo ako ng walang pasintabi. Nagulat siya bahagya. Wala naman akong maisip na idadagdag pa kaya nagkumahog na lang akong umalis. Mabilis ang lakad ko hanggang narating ang main gate at saka dali-daling pumasok ng jeep para umuwi.
BINABASA MO ANG
Deceive me, Love (Buenavista Series #1)
RomanceFirst book of Buenavista Series Saint lost her trust in love when she caught her boyfriend cheating during Manggahan Festival in Guimaras Island. Nawala na ang tiwala niyang may matino pang lalaki sa mundo ngunit paano kapag may makikilala siya sa g...