Chapter 13

3.5K 37 19
                                    

Chapter 13
Relationship


Nakakabingi ang katahimikan sa gitna naming apat. And yes, the old couple used silence to conceal their actions, probably in hopes to help this man beside me conceal his lies. Sa sobra nga nilang tahimik ay mas nabubuko sila.

Mariin kong tinignan si Range na ngayon ay nakaupo na sa kanan ko. Tulala niyang nilalaro ang tinidor na parang kay lalim-lalim ng iniisip.

"Nakapunta ka na ba rito noon, hija? O unang beses mo ngayon?" biglang pagbasag ni Nanay Leticia ng katahimikan sa hapag.

Binaling ko ang tingin kay Nanay sa harapan ko bago umiling bilang sagot.

Nakapunta na ako rito sa lugar nila ng Palayag noong Enero. Kasama ko sina Willow at mga pinsan niyang babae. Lasing nga lang ako at wala nang rekoleksyon ng gabing iyon.

"Nakapunta ako nitong Palayag lang po. Hindi ko nga lang maalala masyado," simpleng sagot ko.

Tumango ang dalawang matanda sa akin.

"Maganda nga ang pista kapag Enero. Iyon nga lang, hindi masyadong engrandre kung ikukumpara sa Manggahan. Si Range madalang ding pumunta sa Palayag,"

Napunta kay Range ang tingin ko lalo't gumawa ng maliit na ingay ang pagtipid niya ng kubyertos. He eyed Nanay Leticia which made her purse her lips into a thin line.

"Nay..." madiin niyang pagsaway sa matanda.

Umismid si Nanay Leticia bago ako binalingan.

"Sa West ka rin nag-aaral, hija? Ano ba ang kinukuha mo?"

Binaba ko na rin ang hawak na kubyertos. "Nursing po ang kinukuha ko sa West."

Umawang ang bibig ni Nanay saka maligayang napatango. "Aba't matalino pala itong si Saint, hijo!"

Natawa ako sa reaksiyon ni Nanay. "Sinuwerte lang ho at nakapasa sa interview, Nay."

"Hija, hindi ka papasa roon kung hindi ka matalino,"

Ang tingin niya nga lang ay nasa kay Range na para bang para sa kanya ang sinabi nito. Range cleared his throat and lifted his lazy eyes to me.

"At mukhang si Saint pa lang 'ata ang napunta sa'yong matino? 'Di ba'y-"

Awktomatiko akong nabuhayan sa narinig. At bago pa masaway ni Range si Nanay Leticia, uunahan ko na.

I leaned forward to her. "Bakit ho, Nay? Noon ba ay wala siyang pili-pili at sinusunggaban na lang lahat?" pagputol ko sa sinasabi ni Nanay.

Tumango siya bilang sagot. Ilang segundo pa bago niya kinipot ang bibig nang bumabaon na sa kanya ang nasabi. I frustratedly leaned back to my seat, crossing my arms in irritation for Range.

I glared at him.

"Pero siyempre, noon pa iyon, hija. Mabuti nga't nagbabago na para sa'yo." Tatay Danilo commented out of nowhere.

Gusto kong matawa sa totoo lang. Ang tanga ko kasi talaga. Kasalanan ko rin naman kung ba't ako napunta sa sitwasyong 'to.

I stupidly jumped into him without thinking logically, and look at how everything burns me alive now, how complicated he actually is. Kinakain ako nang buhay ng mga kasinungalingan niya.

Napapaisip din ako nitong mga nagdaang araw kung paprangkahin ko na lang ba siya o ano. But everytime I try to talk to him, he shuts me down, so how can I tell him?

Tinignan ko si Range, nagtama ang tingin namin. "People doesn't really change that much po."

At ano ang ayaw mong malaman ko, Range?

Deceive me, Love (Buenavista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon