Chapter 31

3.4K 35 21
                                    

Chapter 31
Deja vu


Baka nga tama si Range. Tama nga siyang takot akong sumubok muli na pagkatiwalaan siya kahit alam ko sa sarili kong gusto ko rin. Maybe this fear is essential to prompt me into a committed decision. Na kahit may takot sa dibdib ko, alam ko ang gagawin, susugal ako. It's hard, definitely not easy to trust again. But I know I will regret everything more if I continue to run away from him.

Maaga akong nagising para makatawag sa hospital na mag-ca-call in sick ako. Akala ko kagabi'y makakayanan ko sa umaga na pumasok pero mas lumala lang ang lagnat ko pagkatapos ng pag-uusap namin ni Range. I honestly think my body gave up of fatigue knowing Range is here to take care of me anyway. Nag-iinarte ako kumbaga.

Ginamit ko ang hintuturo para mailayo ang noo niya sa dibdib ko. Nakadagan kasi siya sa akin dito sa sala. He groaned, almost annoyed, to why I was pushing him away. This isn't the right time to be clingy.

"Can you move away? Paano kung maipasa ko sa'yo ang lagnat?" still pushing him away, but he keeps on springing back to my body.

"Hmm. I don't mind," he mumbled on my chest.

Suminghap ako. Pero sa totoo lang, kanina niya pa halos hinahawakan ang puso ko sa pag-aalaga niya sa akin. It is getting hard to stifle my love sick reactions to him.

Inangat niya bahagya ang ulo para matignan ako. "Feel better now or nah?"

"I'm fine now. Hindi ka ba pa uuwi?"

Binaon niya muli ang mukha sa dibdib ko, ni hindi man lang kinibo ang tanong ko kung uuwi nga ba siya. Parang iwas na iwas siyang sagutin 'yon.

"It's just a question. I am just asking you if when. Hindi kita pinapaalis-"

Bumangon siya sa wakas kaya mabilis akong tumuwid ng pag-upo bago niya pa madaganan ulit. He suspiciously narrowed his eyes, as if he's doubtful of whether I am telling the truth or not. Natawa ako.

"Then stop asking me when, Saint. Dito lang muna ako."

I chuckled again. "And the plantation?"

"I told you already..." he laughed amusingly as well. "The trees won't run away like you. So..."

Umirap ako sabay sa pagtayo niya papunta ng kitchen. Siguro'y para maghahanda na ng kakainin naming tanghalian. I watched his bare back until he fully disappeared to my kitchen. What caught my attention back was when his phone vibrated on my coffee table. Indikasyon iyon na may nagtext. Nilingon ko muna ang way ng kitchen.

Pero hindi ko maiiwasang maalala ang mga nangyari noon. Before, I secretly lurked on his phone and got myself in so much pain and trouble. Pero ngayon, natuto na ako. I wouldn't do that stupidity anymore.

"May text ka rito..." medyo nilakasan ko ang boses kahit na masakit ang lalamunan para marinig niya ang sinabi ko sa kusina.

Iyon nga lang, nahagip ng mata ko ang pangalan ni Claudia sa screen kaya bigla rin akong kinabahan. I can't help but think about what happened before. Ganitong-ganito.

This is a fucking deja vu, isn't it?

Sumungaw siya galing sa kusina, nakataas na ang kilay sa akin. "Who was it?"

Pinipilit ko lang na huwag siyang irapan. Baka naman kasi walang malisya at ako lang ulit ang nagbibigay ng malisya.

"Sino? Ang Claudia mo 'ata..." natawa ako para pagaanin ang paligid. "Mukhang hinahanap ka na ah? Isang araw ka lang nawala?

Mabigat ang pagmartsa niya papunta sa akin. He looked really annoyed at me. Gusto kong matawa ng husto kasi biro naman iyon. I am not being serious here.

Deceive me, Love (Buenavista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon