Chapter 23

3.4K 41 28
                                    

Chapter 23
Jealous


Ako lang ba o parang tumigil ang mundo ng ilang segundo sa pagtahimik ng lahat? Nasa akin lang ang tingin nila at parang nag-aantay rin ng sagot ko.

And because I am tired of this whole fiasco, I'll just choose the safer side, even if my heart clearly opposes that. Sa lala ng pinag-awayan namin ni Olivia kahapon patungkol kay Range, hindi ba'y safe option si Lucas dito?

Problem fucking solved!

"Kay Lucas na lang ako," patikhim kong sinabi.

Pinigilan ko na huwag na tignan ang reaksiyon ni Range dahil mas lalong bibigat lang ang pakiramdam ko. Nothing good will happen to my system if I see him disappointed over my choice. At ba't ko ba inaalala pa kung disyamado si Range sa desisyon ko? Hindi na dapat ako nag-o-overthink ng ganito. At isa pa, laro-laro lang naman 'to.

"Then Range is my partner?" si Olivia.

Nang ibalik ko ang tingin kay Range. Nagulat akong nakakapit na pala si Olivia sa bisig niya. Nang hinayaan niya si Olivia, ako naman ang sobrang dismayado.

Range's jaw clenched. It is not entirely clear to me why. Annoyed?

Natawa si Marcus at umiling. "Sige, bahala kayo kung sino ang pipiliin niyo. Basta 'wag lang mag-aaway mamaya. Okay?"

Mag-aaway? Bakit aabot sa away ang laro?

At dahil kulang naman ng isang babae, hindi na sumama si Marcus. Siya na lang daw ang referee kung may mag-away man. Kay laki na nang pagtataka ko kung anong games ba ang hinanda niya at ba't hahantong sa away?

Natigil ako sa pagiging kuryoso dahil sa nakakaasiwang titig ni Range. At kahit hindi ko pa siya tignan pabalik, sa sobrang bigat no'n, nararamdaman ko pa rin sa buto. Napakapit ako sa braso ni Lucas ng walang sa oras.

Nagi-guilty ba ako sa hindi ko pagpili sa kaniya? Well... that's what his intense stares are doing to my system! Hindi ko nga alam kung sinasadya niya ba o ano. At this point, lutang na lutang ako nang mapagtanto na akala pala ni Range na ay si Lucas ang dahilan ng away namin ni Olivia. Does he think na...

Shit!

Kahit naman pala alin sa kanila ni Lucas ang pinili ko'y problema pa rin. If I choose Range, patay ako kay Olivia. Now that I chose Lucas, I feel as if I am in a deeper problem with Range. Pinapatay niya ako ng titig. At mas sa kaniya pala ako takot kaysa kay Olivia. Now I am really starting to regret my somewhat reasonable decision earlier...

At sa pagkabalisa ko'y ngayon ko na lang napansin ang obstacle course na nakapalibot sa pool area.

Magpapaunahan ba?

Mabuti at iba ang nauna sa amin para makita ko ang dapat na gawin. Una'y magpapaunahang lumangoy. Pagkatapos ay tatahakin ang obstacle course sa palibot ng swimming pool. And the last bit, it's a race of cup flipping. Pero iyon nga lang, uubusin pa ang laman na alcohol bago mo ma-flip. Limang baso iyon.

At sa unang naglaban, nanalo si Edwardo at Emma kontra kina Diego at Mia.

Ngumuso ako sa kaibigan sabay lahad ng tuwalya. "Sa P.E. ka sa nursing natuto lumangoy 'no?"

"Yup," Emma chuckled.

Ngunit bago pa makuha ni Emma ang tuwalya sa kamay ko, pasimple siyang siniko ni Mia sa tagiliran. She sharply eyed Emma sideways before strutting to her friends.

Suminghap kaming dalawa at nagkibitbalikat na lang. Parehas lang kami ni Emma talaga, pinapalampas namin kapag ganito ang ginagawa nila.

For the next pair, sina Ava at Noah ang nanalo.

Deceive me, Love (Buenavista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon