Chapter 20
SleepNasisiguro ko na 'di na ulit ako makakatulog pagkatapos niya akong sugurin kanina. He was obviously drunk and not on his right state of mind. Kung nasa tamang ulirat iyon, susugod ba? I don't think so.
Kinaumagahan, mugto ang mga mata ko sa puyat kaya napilitan akong magmake-up nang dahil doon. I still think he didn't do it out of his own consciousness. He did that last night because he was pissed drunk. At nasisiguro ko ngayon at sa mga susunod na araw, 'di na niya ulit ako papansinin.
Kalaunan, bumaba ako para mag-almusal at makapaghanda na para sa outreach. Ang sabi'y malapit lang ang school sa plantasyon kaya minabuti naming lakarin na lang papunta sa roon. Nang datnan namin ang gym, puno na iyon ng mga grade one students.
"A-Ate, baka masakit 'yan?" her mouth pointed my neddle.
Umakyat ang tingin ko kay Emma na mas ginagapos ang bata. Tumango siya at hinigpitan ang yakap sa bata dahil delikado kapag pumisik sa gitna ng pagtuturok ko.
"Parang kagat lang ng langgam 'to." I smiled to assure her. "Alam mo kung ano ang mas malala? Kung magkasakit ka at dalhin sa hospital dahil wala kang bakuna. Doon, mas malaki ang gagamitin nilang karayom sa'yo."
Her cute mouth awed widely. She blinked twice then willingly gave me her shoulder. Natawa ako.
"Ang weird mo mula pa kagabi, Saint." sabay lahad niya ng lemonade sa akin.
Kumunot ang noo ko na animo'y walang alam sa ibig niyang sabihin.
"Really? How so?"
Nagkibitbalikat siya na parang hindi rin mapunto eksakto kung ano nga ba ang weird sa akin. Mabuti naman kung ganoon.
Tinaas siya ang hintuturo kalaunan at agresibo akong nilingon. "Parang ang close mo na sa Mayordoma sa Cas Verde, 'no? Kanina sa breakfast ko lang napagtanto na ganoon, na parang kilala ka niya noon pa man."
Lumaki ang mata ko. If Emma noticed that, then the other staff must've have too!
Nilingon ko sina Olivia na naghahagikhikan sa gilid namin. Umismid si Emma at nilapag ang lemonade sa stage. Takot ako na baka marinig nina Olivia mula kay Emma na close ko nga si Nanay Leticia. She loves to be at the center of attention, and I would rub her wrong way again if she realizes that, yes. I am indeed close to Nanay.
"Kanina pa 'yan. Tungkol na naman sa pinag-usapan nila kagabi na mangangabayo. Diyan sila mas excited kaysa sa outreach natin,"
"Iiyak ang mga 'yan, panigurado."
Emma narrowed her eyes. "Nakasakay ka na ba? Iba rin kasi ang breed ang mga ginamit nila kagabi, hindi parang karaniwan lang, hindi mo nakita kasi busy ka sa pagkain mo."
Muntik ko nang ibulalas na tinuruan ako ni Range noon kung paano mangabayo. Mabuti na lang at nakagat ko ang dila sa huli.
"Uh, oo. Noon pa ako nakasakay, hindi ko na natatandaan... masyado,"
Right after our immunisation with the children, umuwi na kami ng mansyon. Nabalot nga kami ng usapan pauwi tungkol sa pangangabayo nila mamaya. Si Emma interesadong matuto pero ako, away kong sumubok kung si Range lang din naman ang magtuturo.
"Huwag na kayong makisali pa! Kami lang." Sophia bumped Emma's left shoulder aggresively.
Umatras kaming dalawa sa gulat.
Parehas lang ang suot nilang apat. Black shorts and black racerback, siguro'y hinanda ng mga kasambahay dahil pati boots nila ay parerehas lang. Sumayaw ang mahaba nilang buhok papunta sa gitna kung saan nakahilera ang tatlong de kalibreng mga kabayo.
BINABASA MO ANG
Deceive me, Love (Buenavista Series #1)
RomanceFirst book of Buenavista Series Saint lost her trust in love when she caught her boyfriend cheating during Manggahan Festival in Guimaras Island. Nawala na ang tiwala niyang may matino pang lalaki sa mundo ngunit paano kapag may makikilala siya sa g...