Chapter 24

2.9K 43 41
                                    

Chapter 24
Deceive


Hindi ko alam kung may galit ba ang mundo sa akin para ilagay ako sa ganitong sitwasyon. Paano at ba't ba ako naipit sa gitna ng dalawang 'to? Hawak ako sa kanang braso ni Lucas, sa kaliwa naman si Range. At kung paano nakapunta rito ni Range ng ganoon ka bilis lang, hindi ko ka napansin o naalala pa sa kaba ko.

Nagpaalam kasi ako sa lahat na mauna na akong aakyat sa villa para magpahinga. Agarang nagpresenta ang dalawang 'to na tumulong para ihatid ako sa taas.

Inalis ko ang kamay ni Range sa kaliwa kong braso kaya binaba niya ang gulat na tingin sa akin. Tila nagtataka pa kung ba't ko inalis ang kamay niya.

"Range..." niliitan ko ang boses. "Uh... si Lucas na lang ang maghahatid. Nakakahiya naman na matitigil ka sa pag-inom,"

Hinigit ako ni Lucas papunta sa kaniya nang inalis ko ang hawak ni Range. Doon, mas lumalim ang kunot ng noo ni Range sa akin. Binalik niya ang paghawak sa braso ko kaya kita at ramdam ko ang pagkainsulto sa histura ni Lucas ngayon.

"Saint already have her decision, man. Isa pa, ba't ka ba nagp-presenta na ikaw ang maghahatid sa kaniya?" iritadong tanong ni Lucas.

Nanigas ako nang maramdaman ang paghipit ng kapit ni Range sa braso ko. Gusto ko nang takpan ang bibig ni Lucas sa totoo lang kasi dalawa kaming mapapahamak kung 'di siya mananahimik! Why does he have to ask him that? Kung sagutin siya mamaya ng pabalang, ewan ko na lang.

What's the big deal, though? Ihahatid lang naman ako sa taas kaya ano'ng issue ni Range dito?

"Range..." my last warning to him.

Range's eyes slowly narrowed, but then finally let my poor arm go. Suminghap siya nang kay lalim bago kusa akong ibinigay kay Lucas. No. Scrap that. Bago niya ako sapilitang ibinigay kay Lucas. Halatang tutol siya roon.

"Rest your feet, Saint. Bukas ay okay na rin 'yan basta ipahinga mo ng maayos ngayon," dagdag na habilin ni Lucas.

"See you tomorrow, Lucas. Thank you for today," dismissing him.

He nodded before he closing our door.

Nang tumalikod ako, halatang nahihiwagahan na si Emma sa mga nangyayari sa paligid. Makailang beses na siyang nagbuka at nagkipot ng bibig na animo'y may sasabihin pero hindi niya naman tinutuloy. Siguro'y napagtanto na niyang kilala ko si Range noon pa man. Kalauna'y hindi niya rin naman ako tinanong o inintriga pa.

Kinaumagahan, sobrang hirap gumalaw lalo't hindi pa bumababa ang pamamaga ng bukung-bukong ko. Mabuti't tinulungan ako ni Emma sa banyo pati na rin ngayon na pababa kami sa main restaurant ng resort para kumain ng breakfast.

Wala pang tao nang datnan namin ang restaurant. Naupo kami ni Emma sa pwesto namin kagabi sa hapag. Sakto rin iyon sa pagpasok nina Olivia sa restaurant. Her smile eventually faded when our eyes met. Hindi niya binitawan ang masakit na tingin sa akin hanggang narating ang harapan ko.

And when she reached me, she clicked her tongue.

"Grabe naman ang acting mo kahapon, Saint? Pang best actress award ka talaga kahit kailan..." Olivia leaned to me using her hand on the table. "Anong kaartehan na naman iyon kahapon, huh? May binabalak ka na naman, 'no?"

I sighed. "Hindi ako umaarte lang kahapon. At wala rin akong binabalak o ano man na nar'yan nasa utak mo. Masakit talaga ang-"

Their mocking laughs made me stop speaking. Umiinit ang pisngi ko sa inis dahil kahit anong dipensa ko sa sarili'y mamasamain nila, gaya ng sabi ni Emma. Nakakapagod na nga minsang magpigil. At mas lalong hindi puwede na parating ako na lang ang iintindi, 'di ba?

Deceive me, Love (Buenavista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon