Chapter 10

3.6K 42 17
                                    

Chapter 10
Oro Verde


"Grabe itong mga minors, mga feeling majors talaga. Kung makabigay ng projects wagas," reklamo ni Willow.

Nagising ako sa diwa ng pinitik niya ang daliri sa harapan ko.

I blinked twice out of surprise. "What? What were you saying?"

Kahit na sobrang hirap kanina ng exam ay tuliro pa rin ako at iba-iba ang iniisip. Last exam na rin naman iyon kanina kaya medyo magaan na para sa amin.

Willow clicked her tongue in disappointment. "Alam mo ikaw, Saint. Makailang beses na kitang nahuhuling tuliro nitong nagdaang mga araw. Ano ba? May problema ka?"

Tumikhim ako saka umiling sa tanong niya. I too have no idea of what's wrong with me. Pagkatapos kasi ng araw na nakita ko si Range na may kasamang ibang babae, hindi na iyon naulit pa. Dapat nga pasalamat ako pero kasi, hindi ako natatahimik hanggang ngayon, mas nangingibabaw pa rin sa akin ang pagdududa.

"Handa na ba kayo para bukas sa English? Magpractice pa kayo ng husto," pag-iba ko ng topic dahil ayaw kong sagutin ang tanong niya.

"Hindi pa nga maayos ang sa amin! Ang tamad kasi ng mga kasama ko," she rolled her eyes boredly.

Nakahinga ako. Mabuti naman at binitawan niya kaagad ang tanong kung may problema nga ba ako. Yes, pinanindigan ko talaga ang desisyon kong 'wag nang ipaalam pa sa kanya ang tungkol sa nakita kong babae ni Range tutal hindi rin naman ako sigurado.

Although, what has been bugging me for weeks now is what could their relationship possibly be. Friend, he said that. But Range is poor, so how can they he be friends with someone who drives a sports car, right? O ako lang talaga ang nag-iisip ng masama rito gayong wala naman dapat.

Kung tutuusin, ano ang problema kung magkaibigan ang isang mahirap at mayaman, hindi ba'y wala naman? So with this mindset of mine, nakakahiya ako. Clearly, they can be friends regardless of their social backgrounds.

Pagkatapos namin sa ng last requirement sa English kahapon, sumama si Willow sa bahay para mag-overnight. Sembreak na rin sa wakas at matutuloy ang pupunta ko sa Buenavista kasama si Range. This trip hopefully clears whatever haziness I have up on my head.

Sana naman talaga.

I mean... him bringing me to his hometown speaks great volume, right? Sa wakas ay natututo na siyang papasukin ako sa buhay niya. At alam ko namang may rason kung bakit siya mailap sa mga tao, kahit pa man sa akin minsan. Gusto ko na siya mismo ang magpapasok sa akin sa buhay niya nang hindi ko na pinipilit pa.

Siguro ay dapat tapangan ko lang ang sarili sa kanya. Umuurong kasi ako minsan kapag umaamba na akong magtatanong ng mas personal pa. Makailang ulit na akong sumubok, bigo lahat. So my approach this time is form him to let me in willingly to his life.

Nasa labas na kami ng bahay ni Willow ngayon para antayin si Range.

"Saint," mahinang tawag niya sa akin kaya ko siya nilingon.

Bumaba ang tingin ko sa maliit niyang paper bag. Nilahad niya iyon sa akin.

"Ano 'to?" kuryoso kong pagtanggap sa paper bag mula kay Willow.

Willow auspiciously smirked. "Para sa'yo 'yan at doon mo na buksan pagdating niyo na mismo sa kanila!" nataranta siya nang akmang bubuksan ko sana ang ibinigay niyang paper bag.

Nagbikit-balikat ako at napatingin sa bigla niyang pagturo sa kalsada.

"Oh, ayan na pala siya!" pagturo niya sa nakaparadang taxi sa harapan namin kung saan lumabas si Range.

Deceive me, Love (Buenavista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon