Chapter 26

3.4K 34 50
                                    

Chapter 26
Help


Nauna akong pumasok ng kuwarto ko. Alam ko namang nakabuntot lang siya sa likod ko. Pagalit ko siyang nilingon kaya napabawi siya ng lakad. Akala mo'y hinahanda ang sarili kung may ibato man akong masasakit na salita o kung literal na bagay man.

"H'wag mong sabihin na pati rito sa kuwartong 'to ay may ginawa kang kababalaghan noon?"

His defensive stance died down. Napanguso siya saka nagpamulsa. Pinasahadan niya ng tingin ang kuwarto bago ibinalik sa akin ang tingin. Mukhang nag-iisip ng palusot.

"And don't you dare say maybe," inunahan ko sa palusot.

He pouted again. "Then what can I say?"

Nagtaas ako ng dalawang kamay sa ere. "You know what? Nevermind. Mukhang kahit sa'n lupalop mo pa ako dahil sa mansiyon ay may ginawa ka nang kahalayan-"

Sumilay ang nakakairitang ngisi sa labi niya kaya ako nahinto bigla sa sinasabi.

"Then just transfer to my room," nakangisi niyang agap.

Huh! Doon pa talaga?

"Wala pa akong dinadalang babae sa kuwarto ko, Saint. Ikaw pa lang ang nakakatulog doon," he said that as if it could take the irritation I have now.

"And? Dapat ba binigyan mo ako ng medal na ako pa lang ang unang nakakatulog do'n? Malay ko ba kung nagsisinungaling ka lang?"

His brow raised. He looked extremely insulted. "And why would I lie about that?"

"Cause lying is already your habit, Range. 'Wag ako..." napakagat ako ng ibabang labi, away ko nang dagdagan ang nasabi ko.

It... came off quite nothing like I expected. Medyo harsh iyon. Hindi ko intensyon na ganoon ang paraan ng pagkakasabi ko.

His brows furrowed more.

Naunahan niya akong magsalita kaya nabitin ako sa sasabihin. Iyon pambawi ko sa masakit kong naibato sa kaniya.

"From today and for the rest of my life, I promise to stay truthful to you. Hindi ako mapapagod na ipakita sa'yo ang totoong ako na hindi ko pinakita sa'yo noon pa, no'ng natakot ako. Araw-araw, Saint. I promise you that."

Parang may humawak na lang sa puso ko kaya ako natahimik. I believe him anyway. Kahit na mahirap sa akin dahil nasaktan ako noon. Pero araw-araw ay pipiliin ko ring magpatawad at maniwala.

Umirap ako, 'di na alam ang isasagot sa totoo lang. "For a viscious man, you are quite sensitive. What I said was an obvious joke."

Umawang ang bibig niya sa pagkainsulto. Natawa siya kalaunan pero may halong pagkasarkastiko na.

"No. It wasn't a joke-"

"Yes. It was a joke!"

He sent me death stares after. Kinipot ko na ang bibig. Umiling siya bago pinasadahan ng kamay ang buhok. Tila naiinis na o napipigtas na ang pasensiya sa akin.

"Hindi mo biro lang 'yon, Saint. Lahat ng nangangaling sa'yo ay may laman, may malalim na ibig sabihin. Hindi iyon biro lang," may pagdiin sa pagkakasabi niya na animo'y sigurado.

I stifled a laugh.

"Yeah? Pero ang sabi ko nga ay joke iyon kaya hindi dapat sineseryoso. Ba't bigla kang napaspeech? Ang sweet naman..." hindi ko na nakayanan, natawa na talaga ako. "Was it your first time giving a sweet speech, too?"

"Yes. It's my first time. But why would you ruin such sweet gesture by mocking it?" his eyes slowly narrowed, pissed now.

Bago pa kami tuluyang mag-away, nauna na akong bumaba para makakain ng agahan. Sa totoo lang, ilang minuto pa bago ako nakababa. May nangyari pa kasing pilitan sa taas. Gusto niya kasing sabay kaming bumaba, at s'yempre tumutol ako kasi baka talagang mahalata na ng mga kasamahan ko.

Deceive me, Love (Buenavista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon