Chapter 5

3.7K 50 38
                                    

Chapter 5
Dream


Unquestionably, he respected what I wanted in the first place. Hindi na nga siya ulit namilit o nagpakita pa sa akin na halos mag-iisang buwan na.

At sa totoo lang, mag-iisang buwan na rin akong malalim lang ang iniisip. Mainly because of the way he left me after that kiss. Na kinabahan ako masyado na ganoon na lang siya kadismayado sa ideyang mag-aantay pa sa akin.

And truthfully speaking, baka nga sumuko siya nang tinalikuran ako nang araw na iyon. At kung sumuko nga siya, hindi ba'y pabor sa rin naman akin? Na nagpapatunay lang na hindi talaga siya seryoso.

But that fact is what's fucking up my mind lately. So...

Naabala ako ng husto sa pag-iisip sa kanya parati. Minsan, iniisip ko na lang na baka may internship o 'di kaya'y magka-iba lang ang schedule namin kaya hindi kami nagkikita sa campus. All of that lies I tell myself for a short peace of mind, nakakainis na.

Napasabunot ako sa buhok dahil sa katangahan. Medyo nagsisi ako sa hininging pabor sa kanyang layuan ako. Hindi ko na dapag sinabi iyon kung halata namang gusto ko ring sumubok sa kanya.

Masyado lang talaga siguro akong nagmamaganda kaya ko iyon nasabi.

Binaling ko na lang ang iritasyon sa klase ko. Iritado din naman talaga ako tuwing Lunes dahil madami kaming ginagawa sa araw, lalo na't may Chemistry Lab sa Rizal Hall mamayang hapon.

And this Monday in particular, our minor subjects decided to make everything worse by giving quizzes, which was a brilliant start, right? But one positive note, unang araw naming isuot ang puting uniform ngayong araw.

Willow twirled in front of me while spanning her hands out. Nakahilera kami magkaklase sa hagdanan ng Quezon Hall para sa class picture. Pagkatapos ng picture ay lunch na kaya deritso lahat sa coop para roon na kumain.

Isa pang magandang balita, the stares on me officially died down. Meron pang iilan pero mukhang nasanay na ang sistema ko kapag minamasamaan ng tingin. Anyway, I can't stop them so hinayaan ko na. Unti-unti na akong nasasanay.

"Gusto mo ng buko juice?" tanong ko kay Willow nang matapos kaming kumain.

Willow nodded as an answer. Tumayo na ako para bilhan kaming dalawa ng maiinom. Kalagitnaan ng paglalakad ko ay napako na ako sa kinatatayuan. This is the first sight of him in a while so imagine what it does to my system now.

Napangiti ako bahagya dahil sa saya.

May mga kasama siyang naka-CBM uniform, siya ang nasa unahan. At nang iilang hakbang na lang ang pagitan namin ay tinaas ko ang kamay para bumati na agad din namang nabitin sa ere nang malutong niya akong nilagpasan.

Nilagpasan niya ako sa dagat ng mapag-usyusong mga mata. Ramdam ko sa pisngi ang hanging dala ng pagkakalagpas niya sa akin, iyon ang nagpataas ng balahibo ko sa hiya. Few laughs from tables surrounding me echoed at the back of my ear.

Pinagpatuloy ko ang lakad papuntang buko juice stand kahit nanlalambot ang tuhod. Bumili pa rin ako kahit nanginginig ang kamay sa kahihiyan.

Dali-dali kong nilapag sa harapan ni Willow ang baso ng juice kaya siya nagulat at napatingin.

"He fucking walked pass me..."

Binaba ko ang malungkot na tingin sa baso ko bago inangat kay Willow.

She hissed. "Ayan kasi, eh, nagpapakipot pa. Tignan mo tuloy sumuko na lang bigla. Sabi ko naman sa-

Pinukulan ko siya ng masasamang tingin kaya siya natawa at itinikom ang bibig. Sumenyas pang i-zi-nip ang bibig.

Deceive me, Love (Buenavista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon