Chapter 39

3.1K 44 34
                                    

Chapter 39
Marry


Malalim ang buntonghiningang pinakawalan ni Mama sa kabilang linya. She was just silent, probably taking a few seconds to grasp what I had said. Or probably shocked to why I called her this early.

"Kailan mo gusto kung ganoon? And please, calm down, Saint! Nasaan ka ba ngayon?"

Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko.

"Ngayong araw, Ma. Ako na ang bahala sa flight papuntang Manila. Just please get me out of the country today if you can."

"Tatawagan kita mamaya kapag nabook ko na. Just keep me updated, Saint. Mamamatay ako sa pag-aalala kung ano na ang nagyayari sa'yo r'yan kasi wala ka namang sinasabi!"

"I will speak to you later, Ma. Please as soon as possible..." pagbaba ko ng tawag.

Bumagal ang takbo ng tricyle. Tinanaw ko ang labas at nakitang narating namin ang tahimik na pantalan. Walang katao-tao. At base sa nakikita kong 'to, wala pang bangkang lumalayag pa-Iloilo! Panic overwhelmed my emotions. I bawled out more.

"Ma'am, wala pang bangkang pa-Iloilo. Mamaya pa nang ala-sais babyahe lahat," pagkumpirma pa nang naghatid sa akin.

Bumuhos nang mas malalim ang pag-iyak ko lalo't mahahanap ako ni Range kung 'di ko pa lilisanin ang isla ngayon! Mahahanap niya ako! And if I plan to get out of Iloilo as soon as possible, I need to be at the airport before six to catch the earliest flight to Manila.

Nagbayad ako sa driver bago inikot ang pantalan, umaasa sa himala. At parang dininig naman ng kalangitan ang panalangin ko nang makitang may nag-aangkat ng mangga sa dulo ng pantalan. Tinakbo ko ang bangka.

"Pasensiya na po, Ma'am. Pa-Iloilo po ba kayo?" naghahabol hiningang tanong ko sa matandang babae.

The old lady looked at me with so much concern in her eyes. Mas nag-iba ang itsura nang makita ang luhaan kong estado. Binaba niya ang papel na hawak-hawak bago ako mas binusisi ng tingin.

"May emergency ka ba? Hali ka sa bangka namin. Papa-Iloilo nga kami," sabay turo niya sa bangka.

Nabuhayan ako sa nasabi ng matandang babae. Ang problema ko lang talaga ay kung paano ako makaka-alis ng isla. At dahil tutulungan nila ako, malaking kaginhawaan iyon sa akin. Bumaba ang balikat ko sa paggaan ng nararamdaman.

"Mangkano po ba ang bayad, La?"

Pinaupo niya ako sa unahan bago umiling sa tanong ko.

"Libre na, hija. Huwag kang mag-alala. Tapos na ang pag-aangkat namin at aalis na tayo,"

Pinalupot ng matanda ang kamay ko sa mainit na tasa habang hawak-hawak ako sa kabuuan ng biyahe. Hindi niya nilisan ang tabi ko.

"Malapit na tayo," ani ng matanda sabay tayo.

Inalalayan niya rin ako patayo nang mas  bumagal ang pagtakbo ng bangka sa paglapit namin sa pantalan ng Ortiz.

"May sasakyan ka ba pauwi? Kung wala ay ihahatid ka namin sa pupuntahan mo-"

Umiling ako. "Mag-ta-taxi na po ako, Lola. Pasensiya na po talaga sa abala ko sa inyo,"

Nang marating namin ang pantalan ng Ortiz, wala ring katao-tao kaya mukhang malabong makasakay ako ng taxi. Mabuti na lang at sinamahan ako ng pamilyang 'to hanggang sa makasakay ng ako ng taxi kalaunan.

When I reached my condo, I rushed to get my documents in no time. Isang maliit na luggage ang inayos ko bago tumulak papuntang Iloilo airport. Kahit mahal na ang nakuha kong ticket papuntang Manila, wala na akong nagawa pa. Lucky enough, I managed to get that first flight out of Iloilo to Manila.

Deceive me, Love (Buenavista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon