Chapter 28
FriendsKanina pa ako nakatitig lang sa mukha niya habang tulog na tulog. I already prepared beforehand for this outreach. Alam kong nakakapagod kaya nakiusap na ako ng adisyunal pang two days off. So now I have a couple days to drown myself in fantasy here, before reality hits me back in Iloilo. Saka ko na puproblemahin si Lucas pagbalik ko roon.
"Range..." maharan kong tinapik ang pisngi niya.
He furrowed his brows slightly.
"Iniwan na nila ako. Paano na?" dagdag kong sinabi nang bahagya siyang gumalaw pero hindi nagigising.
Nang matignan ko ang orasan, magtatanghali na. Naiwan na nga talaga ako ng team kung umalis sila ayon sa schedule namin ala-siyete aalis.
Great.
So what to do now? Aaksayahin ko nga ba ang off dito o ano? Takot din naman akong bumalik ng Iloilo kung kumprontasyon lang ang aabutin ko ro'n.
Range groaned. "Just stay here for a bit, Saint."
Napasinghap ako sa suhestiyon niya. Hindi dahil ayaw ko kundi dahil iyon naman talaga ang plano ko. Susulitin ko na lang muna ang pantasya ko nang dalawang araw pa.
At dahil wala siyang plano na bumangon, mauuna na akong mag-ayos. Dinala ko ang sarili sa banyo kahit nahihirapan sa sakit ng ulo. Honestly, last night was a fucking blur. Ni hindi ko na matandaan ang nangyari pagkatapos ng sagutan namin ni Lucas sa foyer. Yes, I remember Range dragging me upstairs to continue drinking. But after that... what happened? I mean, we were fully clothed. I don't think 'something' happened.
Given that, I sighed as a sign of massive relief.
May pinagsasabi nga lang ako sa kanya lalo't lasing na lasing ako kagabi? Like... typical useless stuff I say when drunk?
Pagkalabas ko ng banyo, tulog pa rin si Range. Minadali kong magbihis bago dinala ang sarili sa baba para makatulong kay Nanay kung sakali. Nakakahiya naman na tinanghali na nga ako ng gising, ang tamad ko pang tumulong.
Sa baba, paglagpas ko sa dining room, maingay roon. At imbis na sa kusina ako dumiretso, sumungaw ako dining room. Dito, masaya nang kumakain ng tanghalian sina Marcus. Nilingon ako ng lima.
"Oh, Saint?" si Diego, mukhang gulat na makita ako.
I pursed my lips and brought myself inside the dining room. Gusto kong yumuko lalo't baka kung ano na ang iniisip nila sa pagkakataong 'to. Well, whatever. Halata naman siguro ang rason kung ba't ako nagpaiwan, hindi ba? Pero kasi...
"Uh. Hindi ako nakagising nang maaga kanina, naiwan ako. Sobrang naparami siguro ang nainom ko kagabi," patikhim kong sinabi.
All of them seemed to not mind, but I said that for my own peace of mind. Ayaw ko lang na baka lagyan nila ng malisya ang pananatili ko rito lalo't wala naman talaga. Bago ko pa lalong pahiyain ang sarili, umupo na ako sa bakanteng upuan sa kaliwa ng kabisera. It looked as if they purposely emptied this seat for someone.
Weird.
Base sa hitsura nila, mukhang tutulak sila ng plantasiyon. I wonder if I can tag along with them?
"Pupunta kayong plantasiyon, Marcus?" tanong ko sa katabi.
Nahinto siya sa pagkain saka napatango. "Oo. Sumama ka na tutal maiiwan ka ritong mag-isa kapag hindi. You'd be hella bored here."
BINABASA MO ANG
Deceive me, Love (Buenavista Series #1)
RomanceFirst book of Buenavista Series Saint lost her trust in love when she caught her boyfriend cheating during Manggahan Festival in Guimaras Island. Nawala na ang tiwala niyang may matino pang lalaki sa mundo ngunit paano kapag may makikilala siya sa g...