Chapter 15

2.9K 41 20
                                    

Chapter 15
Call


Imbis na sumabog sa galit ay minabuti kong tumayo para puntahan si Nanay Leticia na abala sa iniihaw na isda. Mabuti naman at hinayaan ako ni Range na kumawala sa kanya. Laking pasalamat niya pa siguro lalo't matitigil ako sa wakas kakaintriga sa kanya.

"Puwedeng tumulong sa inyo, Nay?" tanong ko pagkatabi ko kay Nanay.

Gulat niya akong nilingon. Nabitin sa ere ang pagpapaypay niya ng apoy. She nodded eventually.

Binaliktad ko ang sariwang isda. Lumalakap pa ako ng lakas ng loob para tanungin si Nanay patungkol kay Claudia. Sana nama'y sagutin niya ako kagaya kahapon na walang kapreno-preno.

"Ito ang dala ng dalawa nang maka-uwi kanina, Saint. Sariwa, hindi ba?" aniya sa mga isdang binabaliktad ko.

Patuloy lang sa pagpaypay si Nanay. Tumikhim ako kalaunan. Now or never, Saint. Just go and fucking ask her already!

"Uh, Nay. Kilala niyo rin po ba si Claudia?" I asked in almost a strained voice.

"Oo naman," simpleng sagot niya.

Marahan kong pinakawalan ang paghinga na halatang pinigilan ko kakaantay ng sagot niya pabalik. Salamat naman at hindi niya pa ako nahuhuli sa totoong motibo ko sa pagtanong kong iyon.

Peke akong tumango na para bang wala lang sa akin ang naging sagot niya. I should probably act like I personally know Claudia, right? Mas madali kung iyan ang gagawin ko.

"Sikat talaga ang angkan nila sa syudad. Hindi ko po inaakalang pati rito ay aabot ang impluwensiya nila,"

Pasimple kong tinignan si Range na babad na sa kaiinom na para bang limot nang kasama pa ako rito. Bumibilis ang kabig ng dibdib ko nang ibinalik ang tingin kay Nanay.

"Nasabi nga ni Range na nag-away kayo buong umaga dahil takot kang mahuli at mapagalitan sa mansyon nila. Walang problema sa pagpunta niyo roon, hija." Nanay flipped the tuna this time.

Tumango ulit ako.

"Maarte ang batang iyon at halatang hindi sanay sa payak na pamumuhay. Nang makapunta rito nang nakaraan sa amin ay punto nang reklamo ang bibig," she simply added.

Sa sobrang bilis ng kabig ng dibdib ko ngayon ay para akong hihimatayin. Pilit kong kinakalma ang sarili lalo't takot akong matunugan ni Nanay na wala akong kaalam-alam tungkol kay Claudia o kung ano man ang ugnayan nila ni Range.

"Madalas ho ba iyong bumibisita rito sa inyo o hindi naman po, Nay?"

Umiling siya bilang sagot sabay binaliktad naman ng bangus. "Hmm. Mga iilang beses lang naman. Mabilisang bisita, pagkatapos ay balik kaagad sa syudad."

Umayos ako nang tayo at biglang naurungan. Base sa mga sinasabi ni Nanay ay mukhang bumibisita nga iyon dito. But Range prevented her from visiting this time around, and that raise questions into my head immediately. Ibig sabihin lang noon ay ayaw niyang magkasalubong kami ng 'kaibigan' niya rito.

At anong dahilan kung ba't takot siya?

"Nagdududa ka ba kay Range, Saint?" mariin niya akong tinignan nang hindi ako nakasagot agad.

Unang beses niyang inalis ang tingin sa niluluto papunta sa akin. Nagtataka siguro kung ba't bigla akong natahimik na para bang kay lalim nang iniisip.

"Ang sabi ni Range ay kaibigan niya iyon, Nay, kaya wala naman po akong pagdududa." another white lie came out of my mouth.

Nanay lightly squeezed my arm, dismissing the topic already. Binigyan niya ako nang matabang na ngiti bago binitbit ang mga inihaw naming isda.

Deceive me, Love (Buenavista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon