Chapter 30
CheekyTutuparin ako ang pangako sa sarili na bibigyan ko ng oras ang pantasya ko bago umuwi ng Iloilo. But I had enough fantasy given the time we've spent together last night. And now it is time to face reality I've been dodging these past few days. Hindi ko na puwedeng takasan ang realidad na pilit kong iniignora.
Tulog na tulog siya ng iwanan ko sa taas kanina. Na kahit pa may mga maleta akong dala, iniwan ko na para makaalis ng agaran.
Isang beses ko pang tinignan ang Oro Verde. Suminghap ako lalo't ito na huling ko rito. I don't intend to come back anymore.
Sa kabila ng pagmamadali, pinili kong sa Jordan Wharf tumulak lalo't mag-uumaga na. Doon kasi, mas maraming bangkang pa-Iloilo kung ikukumpara sa pantalan ng Buenavista. Mabuti rin na naabutan ko ang unang biyahe ng bangka pa-Iloilo. Malaking problema ang nawala sa balikat ko.
Pagod na pagod ako. Hindi naman sa biyahe o sa outreach. I am just tired in general. At parang hindi pisikal na pagod ang mabigat sa akin, mas mabigat pa rin iyong hinayaan ko na maghari ang puso ko kaysa sa utak. I indulged more than I should have now I feel as if I'll pay for all the happiness I've felt these past few days. What fears me the most is I have no idea on how fate would let me pay. I hope, I just hope it doesn't include or bring much pain than I can already handle.
Kanina pa ako binabagabag kung ano ang reaksiyon ni Range sa pag-alis ko ng walang paalam. Furious? Or, based on his reactions last night, relieved that I am finally out of his sight? Maybe it's the latter, kaya nga para rin akong pinagbagsakan ng langit.
Kinabukasan, maaga akong nagising nang napatawag ang head nurse na kailangan ng adisyunal na staff sa wards lalo't kinulang sila. At dahil ako ang malapit sa ospital, pumayag na akong pumunta at magcover. Buong umaga kaming abala sa mga admissions kaya ngayon na lang ulit ako nakahanap ng tiyempong makaupo sa nurse's station. Ala-una na ng hapon, ni wala pa akong kinakain.
Pasinghap na lumapit ang head nurse sa akin. May bitbit siyang mga papeles sa kamay.
"Miss Del Rio, can you do a double shift for tonight? I have to ask you since we lack hands tonight on the floor," diretsahan niya akong tinanong.
With no hesitations, I nodded. "Sige po. Walang problema sa akin na magdouble shift,"
Honestly, I needed this. Kailangan kong i-distract ang sarili para 'di ko isipin ang panahon na ginugol ko sa Oro Verde. Takot ding kausapin sina Mama at Willow lalo't iwas na iwas akong pag-usapan ang lahat tungkol kay Range. Willow will definitely make me spill everything. At iniisip ko pa lang, para na akong nasusuka.
I can't...
Pinagitnaan ako ni Mia at Sophia dito sa nurse's station. Nakapintura ang panunuya sa paraan ng pagngisi nila sa akin. What do they want this time around?
"You know what's the latest news, Saint? Mukhang alam mo na ah kaya ka ba tahimik?" Mia first commented.
Pinagpatuloy ko ang pagbabasa ng chart para ignorahin sila.
Sophia harshly pulled the chart away from my grasp. Doon na ako napilitang tignan ang dalawa. Anong importanteng balita ba? Na si Lucas na at Olivia? I somehow had the gut feeling Lucas would go down this fucked-up route. Disappointed but not surprised at all.
"That what? Na si Lucas na at Olivia?" kaswal kong pagsagot sa pabalang nilang tanong.
Sophia sarcastically laughed. "Yes. Sila na. So paano ka na?"
Natawa ako ng husto rason kung ba't nalusaw ang panunuya nilang ngiti sa akin. Talaga bang inaakala nilang may pakialam ako sa dalawa? What the actual fuck?
BINABASA MO ANG
Deceive me, Love (Buenavista Series #1)
RomanceFirst book of Buenavista Series Saint lost her trust in love when she caught her boyfriend cheating during Manggahan Festival in Guimaras Island. Nawala na ang tiwala niyang may matino pang lalaki sa mundo ngunit paano kapag may makikilala siya sa g...