Chapter 25

3.4K 41 35
                                    

Chapter 25
Double


Walang kahirap-hirap niya akong nabuhat. Ngayon, pinalupot ko ang dalawang kamay sa leeg niya bilang adisyunal na suporta. Binaon ko ang mukha sa dibdib niya. Ilang yapak pa bago ko naramdamang naupo kami sa kama. Nakakandong ako sa hita niya.

"Why are you crying?" he asked, slowly caressing my hair.

Umahon ako mula pagkakayakap ng leeg niya. Yumuko ako nang siya na mismo ang pumapahid ng luha ko sa pisngi. Kinukulong niya na pala ako ng hawak sa baywang, ni hindi ko napapasin. At mukhang 'di niya ako hahayaang makaalis sa posisyong 'to.

"Huh? W-Wala naman. It's nothing..." kinagat ko ang ibabang labi.

His eyes slowly narrowed, as if he knew I was lying. "You have to tell me why, Saint. So why are you crying?"

Inangatan ko siya ng tingin. Doon, nakita ko ang labis na pag-aalala, nakapinta iyon sa mukha niya.

"It's really nothing, Range. Ano..." biglang naputol ang dila ko lalo't wala naman akong irarason! "This... mali na pumunta pa ako rito sa'yo. Pasensiya na-"

He grunted. "Hindi ka iiyak ng ganito kung wala lang, Saint. Hindi ka naman mabilis umiyak kaya alam kong may problema ka. Don't give me that nothing crap. Nagsisinungaling ka," sumeryoso niyang saad sabay higpit ng hawak sa baywang ko.

Hindi ako makaalis lalo.

"Wala nga. But, okay. Since, mapilit ka," ngumuso ako. "It's a bit frustrating and insulting. That's all. Pero hindi mahalaga. Please, bitaw na-"

"No," mariing putol niya.

Then how can I tell him about what I heard in Lucas' room? Nakakahiya naman na siya pa ang pagsasabihan ko no'n, hindi ba? But whatever, since he asked why I cried, that is my answer. Iyon na lang ang irarason ko kaysa naman aminin ko ang katotohanan, na ang pag-ignora at hindi niya pag-uwi sa tamang oras ang iniyak-iyak ko rito.

I bit my lower lip harshly.

"Uh... I was about to just give his phone back. Naiwan niya kasi sa kwarto ko-"

Tumaas ang kilay niya sa nasabi ko, halatang galit. Lumaki ang mata ko kasi alam ko agad na baka iba ang iniisip niya!

"At ano ang ginagawa niya sa kwarto mo sa ganitong oras, Saint?"

I grunted too. "Patapusin mo muna ang kwento ko kasi! Mamaya ka na magtanong. Okay?"

He sighed heavily, then nodded.

"Lucas only helped me with the stairs, iyon lang. So back to my story, he left his phone... and of course... I'll give back, 'di ba?"

Umikot ang mata niya na animo'y naiirita sa pagpapatagal ko ng kuwento. "Uh-huh? Straight to the point, please."

"Narinig ko siya. I mean... sila sa loob. I-Iyon lang,"

Bumaba ang tingin niya sa telepono ni Lucas sa kamay ko. Kinuha niya iyon at itinapon sa malayong parte ng kama niya. Nang ibinalik niya ang tingin sa akin ay nakangisi na.

Parang masaya pa siya sa sinabi ko?

He scoffed. "You finally caught them, huh? Unang kita ko pa lang do'n ay alam kong manloloko-"

"Alam mo kasi ganoon ka rin? Tama? And he is not cheating. Hindi naman kami kaya paanong cheating 'yon?" a hint of insult unconsciously escaped me.

At imbis na mainsulto ang isang 'to, pinilig niya ang ulo pagilid na animo'y nag-i-enjoy sa usapang 'to. Hindi man lang ba niya i-d-deny na manloloko siya?

Deceive me, Love (Buenavista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon