Chapter 17

3.4K 45 35
                                    

Chapter
Birthday


"Hindi mo pa ba tatawagan, Saint? Mag-iisang linggo na ah?" sumilaw ang pag-aalala sa tono ni Willow.

Pagod ko siyang binalingan bago umiling.

After that painful night, sinabihan ko si Range na huwag na muna akong kakitain o kausapin. Nirason ko lang na masyado akong nahihirapan sa skills lab at kapos ako sa oras. Suspiciously, he straight up agreed. Makakaiwas nga naman siya sa intriga kapag pumayag siya sa gusto ko. Pabor pa iyon sa kaniya.

At dahil isang linggo ko na siyang hindi kinakausap o nakikita, unti-unti nang gumagaan ang loob ko kahit papaano. Unti-unti kamo akong namamanhid sa sakit.

Yumukod ako ng pag-upo sa likod ng upuan.

Willow turned her lips when I refused to call Range for the nth time now. Makailang ulit na niya akong pinagsabihan pero nagmamatigas akong huwag na muna. Alam ko naman na kung papatalagin ko, ako lang ang mahihirapan. But still...

Napainom si Willow sa iced coffee niya. Marahas ang pagkakababa niya ng baso niya.

"Mahirap kasi sa'yo, Saint, mas nagpapaniwala ka sa sabi-sabi ng iba kaysa kay Range eh." she leaned forward to prove her point more. "Don't you think it's better if the truth really comes from him? Ask him instead?"

I grunted. "We clearly saw them together last week. Alin pa roon ang hindi totoo?"

Naiintindihan ko naman ang hinaing ni Willow, siguro'y akala niya pinapalampas ko lang ang nakita last week. But really, that is not the case. Totoong nagpapalakas lang ako ng loob, inaantay ang tamang panahon na kumprontahin sila. Gusto ko rin kasi na mahuli ko sana sa akto, baka kasi baliin pa ni Range sa akin at i-deny.

Mahirap na.

Nilingon namin ni Willow ang kakapasok lang na mga naka-nursing uniform sa coffee shop na tinatambayan namin ngayon. Unfortunately, it's Alyssa and her annoying bunch again. Para talagang inaamag nila ako ah?

Natigil sila sa pagtawa nang makita ako, gaya na lang last week sa room, iyong sinugod din nila ako. Coincidence pa rin ba 'to o sinasadya na?

Their group went to our side, as expected. Umayos ako nang pag-upo para salubungin sila. Hindi rin naman ako takot sa kanila gaya nang nakaraan. Without further ado, Alyssa invited herself in our circle by sitting on an empty chair on my left.

Nakataas na ang kilay ko.

"So... you aren't seen with him anymore, huh? Nahuli mo ba dahil sinabi ko na sa'yo?" nababalot pa ng saya ang pagkakatanong niya noon sa akin.

She's brazen kind of lady, isn't she?

Mapride nga lang ako, hindi na nila ako maiinis pa gaya ng nakaraan. Napapaisip din ako na siguro'y kaibigan talaga sila ni Claudia at ang ginagawa nilang panghaharass sa akin linggo-linggo ay may kaugnayanan doon. Inuutos ni Claudia kung baga?

"Mas inuna ko po kasi ang skills lab ngayon kaya nawawalan ako ng oras sa kanya. Siguro ay naiintindihan niyo naman kung gaano kahirap at demanding ang skills lab, hindi po ba?" marahan kong sagot na ikinataas niya ng kilay.

Alyssa's smirk emerged right after as if she sees right through my lies. Her nod was intentional this time.

"Busy ka o nahuli mo? It's a simple question-"

"Hindi ko nahuhuli dahil wala namang nangyayaring ganiyan sa pagitan namin ni Range."

"Then if you know your boyfriend really well, can you tell us more about him? You know, his family perhaps?" she firmly challenged me with a brow raised.

Deceive me, Love (Buenavista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon