Chapter 27
DrunkNanghihina kong pinilig ang likod sa counter. Nangangatog ang tuhod ko sa pagpayag kay Olivia na tulungan siya kay Range. Yes, I instantly regret such impulsive decision, knowing I can't give him up that easily. I can't.
I want him, too. And I want him all to myself. So what's the best thing to do here? Dapat ay bawiin ko kaagad ang pagpayag ko. For once, magiging matapang ako at uunahin ang sarili. For once, ako muna, ang ikakasaya ko muna bago ng iba.
Nauna si Olivia na bumalik ng pagsasalo. Ako naman, nagpapakalma pa ng sistema. Nag-iisip na rin kung paano ko babawiin ang katangahan kong iyon.
Nang umayos na ang pakiramdam ko, tumulak na rin ako sa likod ng mansiyon. Maingat ang bawat galaw ko na h'wag lumikha ng walang kabuluhang ingay sa pag-upo ko sa tabi ni Emma. Agad niya akong niyakap pagilid.
Pinasadahan ko ng tingin ang mahabang lamesa. Wala rito si Range. Binasa ko ang ibabang labi bago umusog pa kay Emma para makabulong.
"Ano ang nangyari habang wala ako, Ems?"
Lumunok muna ng kinakain si Emma bago binaba ang kurbyertos sa plato. Tila atat siyang makapagsalita.
"Grabe, Saint! Mabuti na lang nga na wala ka kanina. Nang hindi ka kasi bumalik, biglang napaamin si Lucas na nagkasagutan kayo sa school. Doon, muntik na silang mag-ayaw ni Range eh. Mabuti naawat lang ng iba,"
Hindi kami nagkasagutan ni Lucas. Sobrang exaggerated ng nagkasagutan. But... muntik na silang mag-away? 'Di ko to naisip na mangyayari nang umalis ako!
Umiling ako. "Hindi kami nagkasagutan. May nasabi lang ako sa kaniya pero ang layo no'n sa nagkasagutan..."
"Mabuti na lang at nagmamadaling umalis ang Senyorito kaya hindi rin natuloy. Pasalamat lang si Lucas,"
Suminghap ako nang malalim.
Pinilit kong lagyan ng pagkain ang sikmura kahit wala akong gana. Sa huli'y hindi ko na nakayanan, natignan ko ang mga kaibigan niya at mukhang hindi naman sila aligaga na wala pa siya rito. Ako lang ba ang nag-aalala ng husto? And where could he possibly be?
Natuloy ba siya sa Iloilo?
Sa pagkabalisa ko, hindi ko na napapansin ang sunod-sunod kong shots. Umiinit na ang ulo ko bahagya. Unti-unti nang nalalasing.
"Saint," Lucas called from behind. "Please can we talk please now? Iyong mahinanon at walang sigawan? Hindi iyong parang kanina?"
Pagod ko siyang nilingon. Namumula ang pisngi na animo'y lulong na rin sa alak, gaya ko.
"Huwag dito," maikli kong sagot.
Nauna akong tumayo papasok ng mansiyon. Mabuting dito na sa loob para malayo sa lahat. Imposibleng may makarinig pa pag-uusap namin lalo't damay rito si Olivia. Nakakahiya sa ibang staff naming kasama.
Namumula ang mata ni Lucas sa inis nang umatras ako papalayo. His breaths are hitching in dismay.
"Are you jealous of Olivia? Hindi ko siya kailan man nagustuhan kaya wala kang dapat na ika-selos, Saint. Please-"
Lumipad ang palad ko sa pisngi niya, hindi ko na natimpi ang galit ko. Hindi gusto si Olivia? Then what about last night? Ano 'yon?
Nanginginig kong niyukom ang kamao upang huwag siyang masampal ulit.
"How dare you speak ill of her when you know you've bonded deeply already! Napakagago mo naman para sabihin iyan? At sa akin pa talaga na kaibigan niya, huh?"
BINABASA MO ANG
Deceive me, Love (Buenavista Series #1)
RomanceFirst book of Buenavista Series Saint lost her trust in love when she caught her boyfriend cheating during Manggahan Festival in Guimaras Island. Nawala na ang tiwala niyang may matino pang lalaki sa mundo ngunit paano kapag may makikilala siya sa g...