Chapter 37
PriorityNatulog ako na sobrang mabigat ang nararamdaman. I don't know how I still manage to sleep, to be honest. I felt him come home around three in the morning, although I don't think he really slept throughout the night. Nag-ayos lang siguro at agad na bumalik ulit kay Claudia sa ospital.
Nakumpirma ko ang hinala nang magising akong nag-iisa lang.
Am I selfish? I shouldn't be, right? Isa pa, mas importante nga si Claudia dahil sa natamo niyang pilay sa pagkakahila ko kahapon. Dapat nga'y naroon ako tutal ako naman ang may kasalan sa aksidente iyon. Ako ang nagbigay ng adisyunal na problema sa mansiyon at kay Range.
Hindi ko nga lang maipagkakaila na naiinis ako kay Range na hindi niya man lang ako pinakinggan. And because of that reason, I feel left out with no one to defend me but myself.
Bago ko pa malunod ang sarili sa pag-iisip ng sitwasyon ko, minabuti ko nang maligo na at mag-ayos para sa araw. Medyo namamaga pa ang paa ko pero medyo bumuti na't nakapaglalakad na ako nang maayos.
"Wala pang nakakauwi sa kanila galing ng ospital. Kumain ka muna," si Mave.
Maatim ko siyang nginitian.
"Good morning po," bati ko sa lahat.
"Magandang umaga rin, hija." Nanay Leticia went to my side. Mahigpit pang yumakap bago humiwalay upang ipagpatuloy ang pagluluto.
Ayaw ko nang magtanong kung bakit ba wala pang nakakauwi mula pa kagabi. Isa pa, kung malaman ko mang malala nga ang natamong injure ni Claudia, baka lang mas bumigat ang nararamdaman ko. I am slipping into being guilty of what happened, even though I shouldn't be in the first place.
"May gusto kang puntahan ngayon? Gusto mong samahan na lang kitang maglibot sa Buenavista?" si Mave ulit.
I glanced at Maverick and pouted. Siya siguro ang naiwan dito para naman may kasama ako. To make it seem like I wasn't being left out. When it is obvious that I am being left out by Range especially.
"Wala naman akong gustong puntahan. Okay lang, Mave, dito na lang muna ako sa mansiyon. Magpapahinga na rin."
He narrowed his eyes, suspicious. "Are you sure, though?"
"Yes. Thank you,"
Maverick no longer forced my dull mood today to lighten up. Nagpaalam din iyong umalis lalo't may aasikasuhin pa raw. Naiwan ulit ako kay Nanay Leticia, at pasalamat ako na narito siya para aluhin ako.
"Ano po ba ang paboritong pagkain ni Range?" biglaang tanong ko mula sa pagkakatulala.
Natigilan si Nanay sa pagluluto at biglaan ding napa-isip. "Mahilig iyon sa sinigang, e. Kahit anong klase naman. Bakit? Gusto mo ba siyang lutuan ngayon?"
I nodded. Maybe? As peace offering, I guess?
"Hindi ko pa po nasusubukang paglutuan siya, e."
Pinahid ni Nanay ang kamay sa puting tuwalya bago ako tinignan.
"P'wes, kailangan mo ba ng tulong ko?"
Agaran akong napailing. "Hindi na ho! Ako na po ang gagawa ng lahat para mas espesyal. Siguro bukas ko po gagawin tutal mukhang busy pa 'yon sa ospital..."
Malalim ang buntonghininga ko lalo't ang bitter ng huli kong nasabi kay Nanay Leticia.
At bakit nga ba dapat lahat sila'y nandoon? Is she being operated or something? Malala ba ng husto ang pagkaipit ng paa niya sa batuhan kahapon? Kung ako nga'y nakapaglalakad na, kaya may posibilidad inaarte niya ng husto ang pilay niya. O masasabi ko lang 'to ngayon, na umaarte siya kasi inis na inis ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Deceive me, Love (Buenavista Series #1)
RomanceFirst book of Buenavista Series Saint lost her trust in love when she caught her boyfriend cheating during Manggahan Festival in Guimaras Island. Nawala na ang tiwala niyang may matino pang lalaki sa mundo ngunit paano kapag may makikilala siya sa g...