Chapter 16

3.4K 41 28
                                    

Chapter 16
Well


Ngayong umaga kami uuwi ni Range ng Iloilo. Kagabi pa siya halatang binabagabag. Siguro'y nag-aalala nang husto na baka bulagain na lang kami rito ni Claudia. Na bigla na lang iyong susulpot dito kapag hindi pa kami umuwi nang agaran. Kahit ako ay takot na mangyari iyan kaya ako na ang nag-suggest na umuwi kami.

Of course, I didn't tell him I heard their conversation over the phone. Ang sabi ko lang ay pinapauwi ako ni Mama nang maaga.

Mabigat man ang loob ko sa tatlo, ginawaran ko pa rin sila nang maghigpit yakap. They're nothing but good to me throughout my stay here. Malaking pasalamat ko kina Nanay sa malugod nilang pagtanggap sa akin dito.

"Bumalik kayo sa pasko o 'di kaya'y sa Palayag na kung pwede kayong dalawa, Saint." dagdag ni Nanay Leticia nang humiwalay sa pagyakap ko.

Tumango ako bilang sagot kahit 'di naman ako sigurado talaga. Malayo pa iyong Palayag at baka nga sa pagkakataong iyon, matagal na kaming tapos ni Range.

Who the fuck knows?

"Kung mapipilit ko siyang umuwi ng Palayag ay baka pa lang po, Nay. Hindi po ako makakapangako."

"Range, sana makabalik kayo ulit." ibinaling ni Nanay ang tingin sa lalaking nasa tabi ko.

Bahagya ko rin siyang binalingan. Gaya kagabi, tahimik pa rin at parang kay lalim ng iniisip.

Tumango si Range kay Nanay. "Sa susunod na po kung hindi na abala si Saint."

Bahagya siyang napanguso. "Ah, sige. Basta magsabi lang kayo para naman makapaghanda... kami nang maayos. Hindi iyong susulpot ka rito at ginugulat kami,"

Range impatiently nodded. Sa pinapakita niya ngayon, atat na siyang matapos ang usapan para makaalis kami.

Buong biyahe pabalik ng Iloilo ay nagpapagod-paguran ako para hindi niya ako kausapin. Unlike yesterday, wala nang masyadong text na pumapasok sa cellphone niya. O baka rin sinilent niya para hindi na ako nagtatanong pa. Hinatid niya rin ako hanggang bahay bago tumulak paalis.

Kung hindi lang sana ako pagod ay susundan ko siya kaagad kung saan ba siya dederitso, kung kay Claudia nga ba talaga, huhulihin sa akto kumbaga. But then again, iniisip ko pa lang ay nalulusaw na ang tuhod ko at nawawalan ng lakas para gawin iyon. Wala rin naman akong guts para sumugod at mag-eskandalo kung saan man sila magkikita.

Kalaunan, nakatulog ako sa pagod gawa nang stressful na bakasyon ko kasama si Range. Pagkagising ko'y bitbit ko ang cellphone habang nagpapabalik-balik ng lakad sa kuwarto. Dinidebate ko ang sarili kung tatawagan ko ba si Willow para magpatulong. Sa huli'y tinawagan ko na.

"Willow..." malungkot na malungkot kong salubong ko sa kaibigan.

"Claudia Lopez," namamaos kong sagot sa tanong ni Willow kung sino raw ba.

Suminghap nang kay lalim si Willow sa kabilang linya. Ilang segundo niya akong hindi kinibo.

"Talagang kaibigan lang ni Range iyon? 'Di ba'y narinig mo namang pinagbawalan niyang sumunod sa inyo sa Buenavista? Kung kaibigan niya lang talaga ang babae ay bakit niya pagbabawalan? Nahihiwagahan ako ah?"

Exactly! Iyan rin ang sabi ko sa sarili. Bakit naman siya matatakot na magkita kami ng kaibigan niya? Unless...

"Siguro ay para hindi na mag-krus ang landas namin ni Claudia? Paniguradong ayaw 'yon kung sakali,"

Willow heavily sighed again. I can envision her rolling her eyes now.

"Stop thinking negatively about it for now, I suggest. Baka may ibang rason si Range kung bakit niya pinagbawalan at hindi naman dahil ayaw niyang magkita kayo? Sa pasukan natin mas aalamin. Okay ba?"

Deceive me, Love (Buenavista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon