Chapter 1

4.7K 66 50
                                    

Chapter 1
Saint


Nakatayo ako ngayon sa labas ng Cultural Center ng West Visayas State University, naghihintay kay Willow. Today is our first day of college, pareho kaming nakapasok sa nursing kaya mas lalo akong nagalak.

WVSU or West as people would call the university is the number one performing nursing school in the Philippines. The moment we got in, Willow and I were over the moon, almost a thousand from the province and the rest of the country applied. At halos half lang ang na-cut para sa Nursing Aptitude Test, at two-hundred lang ang na-interview.

Ngayon, hundred and fifty kami sa batch ang kinuha. It was a gruesome process, I am noy going to lie, pero worth it naman. The student council instructed us to wear green today, para raw sa orientation ngayon sa Cultural Center.

Willow was half running towards me, hindi pa naman nagsisimula kaya hindi pa kami late.

"Calm down first, Willow."

Nakahawak siya sa dibdib, taas-baba ang balikat nang nakalapit na sa akin. Hinahabol pa ang paghinga.

"We're not late?"

"Hindi pa naman. Pero nakapila na sila kaya tumulak na rin tayo."

I pulled her to the line where our batch was situated. May iba akong kakilala sa pila dahil maliit lang naman ang Iloilo, kami at kami pa rin ang magkikita sa huli. Some were from my elementary and some were my high school.

Pasalamat din akong pareho kami ng section ni Willow. Hindi kami mahihirapan na maghanap ng mga kaibigan.

"First years, ulit tayo, ah? N-U-R-S-I-N-G!"

The Kuya in front was teaching us the CON cheer. It was weird, I must say. Sumunod naman kami sa huli.

Si Willow na nasa harapan ko lang, todo ang sigaw kaya na-enganyo rin naman akong makisali. The other colleges were getting loud too, unang araw pa lang, competitive na kaagad.

"Madaming guwapo!" Willow squealed as we enter the Cultural Center.

Maamoy mo pagkapasok ang kalumaan ng Cultural Center. It's smells specifically like a bat nest, although, passable naman dahil malaki.

"Wala akong nakikita?" sagot ko sa aniya'y mga guwapo.

Pinaningkitan niya ako bigla. "Bitter ka na, ah? Isang buwan ka pa nga lang single? Okay, I understand. Pero siguro, mas madaming guwapo sa higher years?" hagikhik niya nang maupo kami malapit sa stage.

Hindi ako bitter, wala lang akong nakita talaga sa batch namin o sa ibang nasa pila kanina na guwapong tinutukoy niya.

"O wala ka nang makitang iba dahil nasa Guimaras 'yon?" she pushed me slightly after her words.

Funny enough, I know what she meant. Natawa ako ng husto.

Isang buwan na nga ang nakalipas ng gabing iyon. And I must say, he was a good company but other than that night, wala nang nangyari pa. Siguro dahil hindi ko kinuha ang numero niya?

Dapat ba na kinuha ko iyon?

"He probably forgot about me, you know." bigla akong nalungkot sa nasabi.

"If only I got his number, pero wala eh. He did not ask for mine either,"

"Sana kasi kinuha mo! Ayon, sayang tuloy. Ano, gusto mo ba puntahan lang natin sa Guimaras?" Willow suggested.

Actually, that's a good idea, pero saan ako magsisimula sa paghahanap? Guimaras may be a small island, but it still have five municipalities. And unfortunately, I only got his first name, kaya paano ko siya mahahanap? Too funny as well... how I moved on quite fast from Connor. Sinakop ng lalaking 'yong ang sistema ko buong gabi.

Deceive me, Love (Buenavista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon