Chapter 11

3.5K 36 23
                                    

Chapter 11
Rubbers


Hindi magkamayaw ang tahip ng dibdib ko sa paraan ng paghalik niya sa akin. I was lost for words that I wasn't able to continue any further interrogations. He then aggressively pulled me towards his horse.

Umalis na rin kami roon sa plantasyon.

Mabagal na ngayon ang takbo ng kabayo niya, hindi na gaya nang papunta pa lang kami, marahan na. At ngayon, mas na-a-appreciate ko ang ganda ng lugar. Napakatahimik at payak lang.

"Hindi ko alam na marunong ka
pa lang mangabayo," pagbasag ko ng katahimikan sa gitna namin.

"Lahat naman dito sa isla ay marunong mangabayo. Mas nakapagtataka nga kapag hindi ka marunong,"

Talaga ba? All of them have horses then? At kanino pala itong sinasakyan namin? Halatang mahal kasi at 'di pangkaraniwang breed ng lang kabayo. I can tell that this horse we're using is well attended.

"Paano kapag malaglag ako rito?"

"You won't fall," Range chuckled on my left ear. "Hawak-hawak kita kaya ba't ka malalaglag? Just lean your back against my chest and you are all good," mariing utos niya.

Sinunod ko naman dahil takot akong mahulog at mabalian ng buto kung sakali. Nasa labas si Marcus ng bahay nang datnan namin, mabilis kasi ang takbo niya kaya nauna na rito. Si Marcus pa ang umalalay sa akin pababa kay Maximus.

Pinilig ko ang ulo pagilid sa pagkamangha kay Marcus. Siguro isa siya sa kasama ni Range sa Manggahan, hindi ko lang natatandaan? Siguro nga.

"Iwan ko na kayong dalawa," aniya kay Range.

Nilingon ako ni Marcus at may malapad nang ngiti sa labi.

"Bisita ulit ako bukas kapag walang," natahimik siya bigla. "Ang ibig kong sabihin... kapag tapos na sa trabaho sa plantasyon,"

Halos hirap si Marcus sa paghabi niya ng mga salita na tila ba'y takot na may masabing mali sa akin. Tumango ako sa huli kahit pa nakapagtataka iyon para sa akin.

"Salamat din sa pagsama mo, Marcus. Bisita ka ulit bukas kung wala ka nang ginagawa. Uh... gaya ng sabi mo."

Marcus turned his smirk to Range instead. Marahan niya pang tinapik sa balikat si Range bago sumampa sa kabayo para iwanan kami sa wakas.

"Get dressed. We are eating outside tonight," Range said out of the blue.

Napanguso ako dahil halata hindi siya kumportable sa presensiya ko rito ngayon. O talagang binibigyan ko lang ng ibang kahulugan lahat pagdating sa mga kilos niya. Anyway, nagbihis na ako sa taas gaya ng inutos niya.

Pagkababa ko'y siya naman ang nag-ayos sa taas. Natagalan siya sa pag-aayos, at dahil natagalan ako, minabuti kong akyatin na lang sa kuwarto para i-check. Couple more steps until I reach the second floor, his faint voice echoed from his room.

May katawagan siguro sa telepono.

"I won't go there this time, Ma. Please tell Papa that." humina ang boses niya. "Yes, Mama. Take care as well."

Umurong ako at pinadesisyunan nang sala maghintay. Tulala at nabuhayan na lang ng diwa nang marinig na ang yapak niya pababa ng hagdanan. He went down on his light blue summer button down shirt and white shorts.

Malapad pa ang ngiti nang sinalubong ako.

He's acting his usual self but behind my back, especially if I am not looking, he's acting way different than this. At sa totoo lang, hindi ko na alam kung aling beryson niya ang makatotohanan. Pero ang nasisiguro ko lang dito'y may isang beryson siya na kasinungalingan lahat. And I hope... I do hope, it's the version everytime he's with me.

Deceive me, Love (Buenavista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon