Chapter 21
BelieveDinala ko ang sarili sa loob ng banyo nang makawala sa pagkakadagan niya. Humilig ako sa pintuan at mapakapit sa dibdib. And before I could even think about things that includes Range in it, mimabuti ko nang maligo.
Pagkalabas ko ng banyo, tulog na tulog pa rin siya. Maingat ako sa galaw dahil takot din naman akong masiging siya nang hindi pa ako nakakapagbihis. With ease, bumaba ako sa kitchen, dito lang kasi may tao dahil sobrang aga pa.
Animo'y pinagbagsakan ng langit at lupa ang histura ni Nanay Leticia nang makita akong mag-isa lang. She even stretched herself to see if I have someone trailing behind me. At nang makita niyang wala ang alaga niya, marahan niya akong tinignan.
She sighed.
"Sana ay natulog pa kayo, hija. Maaga pa naman," sabay lapag ng kape sa harapan ko.
Umayos ako ng pag-upo sa bar stool at sumimsim sa kape. "Gising na ho ako eh,"
"Hindi ka napagod kagabi?" she asked casually.
Lumaki ang mata ko. Napaso pa ang dila sa kape pero pinigilan kong magreact lalo't seryoso si Nanay Leticia sa tanong niya.
"Wala hong ganoon, Ma'am..." hastily killing the idea that is forming in her head.
Hindi ko alam kung ano ang itatawag sa kaniya lalo't may mga kasambahay na nakikinig. I don't think it is appropriate to call her like how Range calls her.
She clicked her tongue then leaned on the breakfast counter. "May edad na kayo, Saint. Hindi na kayo mga bata pa. Ngayon ka pa ba mahihiya sa akin?"
Nilapag ng isang kasambahay ang plato ng agahan sa harapan ko kaya bumaba ang tingin ko roon. Tumikhim ako at ibinalik kay Nanay ang tingin.
"Wala ho talaga," simple kong sabi.
"Morning..." Range suddenly and magically appeared on my right.
Nagkatinginan sila ni Nanay bago umupo sa katabi kong bar stool. Kinabahan kaagad ako dahil sumunod siya. Tingin ko tuloy hindi na naniniwala sa Nanay Leticia na walang nangyari kagabi.
"Magandang umaga, hijo." si Nanay bago tumalikod patungo sa mga naglulutong kasambahay.
"Bakit hindi mo ako ginising?" he asked cooly.
Lumipad ang tingin ko sa mga kasambahay na bahagya pala kaming tinitignan. Inusog ko ang bar stool papalayo sa kanya. Pinagtaasan niya ako ng kilay sa paglayo ko.
"Ba't naman kita gigisingin?" tumikhim ako.
Range pouted.
Mamasa-masa ang buhok niya at mukhang kakagaling lang sa pagligo. And he smells like my bodywash, sa kwarto ko rin siguro 'to naligo. He then swiftly took my fork with sausage in it. Pinakita niya sa akin ang pagkagat niya sa pagkain ko bago natawa.
"Sobrang aga niyo namang nagising, Range?" pareklamong sinabi ni Nanay nang ilapag niya ang tasa ng kape sa harapan ni Range. "Sabagay, mukhang ako pa ang gumising sa inyo kanina. Tsk."
Nabitin sa ere ang nakabuka kong bibig dahil sinagot ni Nanay ang sarili niyang tanong. Bago pa ako makasagot, tumalikod na siya para tumulong ulit sa pagluto ng agahan.
Pansin kong hawak na niya pala ang backrest ng stool kaya ko siya pagalit na nilingon. Ano ba 'tong pakulo niya? Kung maka-asta siya ay para kaming walang problema ah?
Can he stop acting as if we have no issue here?
Ilang subo pa lang ng agahan, binagsak ko na ang kubyertos sa plato. Range became stoic right after. Tinitignan niya lang ang plato ko.
BINABASA MO ANG
Deceive me, Love (Buenavista Series #1)
RomanceFirst book of Buenavista Series Saint lost her trust in love when she caught her boyfriend cheating during Manggahan Festival in Guimaras Island. Nawala na ang tiwala niyang may matino pang lalaki sa mundo ngunit paano kapag may makikilala siya sa g...