Chapter 9

3K 34 32
                                    

Chapter 9
Truth


Kabado kaming natapos sa routine. Huling kaming nagperform kaya kitang-kita namin performance ng mga higher years kanina. And I must say, malinis at pulido lahat. Mas lalo na ang routine ng year four. Nakakapagtataka nga lalo't kapos sila sa oras para mag-ensayo. But anyway, as predicted, year four won.

"Congratulations, girls."

"Thank you, Ma'am!" sabay naming sabi sa coordinator namin.

As predicted as well, we got the last spot.

"Sama ka, Willow?" tanong ko sa kaibigan.

Maglilibot kasi kami ni Range ngayon sa kalapit na mall lang naman. Baka lang gusto niyang magthird wheel sa amin.

"Ayaw. Maiinggit lang ako sa inyo kaya 'wag na," sinabayan niya pa ng pag-iling.

"I will see you tomorrow, then?"

"Magkita tayo bukas!" sigaw niya dahil nakalayo na sa akin.

Natawa ako kay Willow.

Mag-isa tuloy akong naghihintay kay Range dito sa labas ng Cultural Center dahil iniwan na ako ni Willow. Napatingin ako sa relo, mamaya pa naman ang usapan namin ni Range kaya napagdesisyunan ko na lang na bumili ng buko juice sa coop.
Mabilisang bili lang para makabalik kaagad.

At nang malapit na ako sa Cultural Center, bumagal ang lakad ko lalo't may nakaparadang puting sasakyan sa tapat. Usually, wala masyadong pumapasok na ganyan ka garang sasakyan sa loob ng university kaya nakapagtatataka. Often, students here come from average-salary families.

Nabitin ang hakbang ko nang iluwa ng passenger seat si Range. Sa sobrang gulat ko'y muntik ko nang mabitawan ang hawak na buko juice.

What's the actual fuck is Range doing in that car?

At dahil nakababa ng kaunti ang window ng driver's seat, nakita ko ang babae doon. She's wearing a big and dark glasses, so even if I try my best to take a glimpse of her face, bigo ako. Yumuko si Range sa babae at parang may hinahabilin pa.

Umurong bigla ang sikmura ko. Sino iyon at bakit sila magkasamang dalawa? And by the looks of it, they're comfortably close with each other.

Tumalikod ako para tumungo sa mini forest para roon umupo at maghintay kay Range. Kakaupo ko pa lang sa mini forest ay agad na tumunog ang telepono ko sa tawag niya. Siguro ay nagtataka kung ba't wala ako sa lugar na pinag-usapan namin.

"Where are you?" pambungad niya sa tawag.

"Uh... sa mini forest," bago pa ako makadagdag ng sinabi ay binaba niya na ang tawag.

Surely it meant nothing, right?

Siguro kaibigang babae lang o 'di kaya'y kasama sa ojt. Pero halatang mayaman iyong babae, sa sasakyang dala pa lang kaya imposibleng estudyante iyon dito. At nasisiguro ko ngayon pa lang, hindi iyon taga-West kung manamit.

"Hey," salubong ni Range, hingal pa mula sa pagtakbo.

Ginawaran ko siya ng malapad na ngiti kahit na may malaking tanong na bumabayda sa isipan ko ngayon.

Come on, Saint. It meant nothing, okay?

Nilibot niya ang mata sa mini forest, nagtataka kung ba't ako pumarito. "Why are you here? Akala ko sa Cultural Center ka lang-"

"Saan ka nanggaling, Range?" pa-inosente kong tanong.

Hindi niya ako nasagot kaagad kaya medyo nainis ako. Inagaw niya ang buko juice ko sa kamay, inubos pa ang laman no'n saka pa ako binalingan ng tingin.

Deceive me, Love (Buenavista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon