Chapter 8

3.6K 41 25
                                    

Chapter 8
Caught


Sinabunutan ko ang sarili bago tuluyang magising. I dreamt about him again, but this time, it wasn't very clear to me unlike the first one I had.

Bumuntonghininga ako bago bumangon.

Nagsimula na akong maghanda
para sa buong araw. Ngayon kasi ang opening ng NFD kaya dapat maaga ako para sa sign-in. Usually kasi kapag na-late, may penalty pagkatapos ng sem.

Suot namin ang batch t-shirt at white shorts ngayon para sa parade. Mabilis lang naman dahil sa loob lang ng university kami lilibot. At dahil sa makawala na ang contest, after nang parade, tumulak kami para mag-ensayong muli. Wala kaming pagpapraktisan sa loob university ngayon kaya sa kalapit na baranggay gym na lang kami nag-ensayo.

Kalagitnaan ng practice, tumipid ang galaw ko nang maaninag na papalapit si Range sa gym at may dala pang inumin para sa lahat. Naghudyat ang trainer naming bakla ng water break saka ako lumapit sa kanya.

"May dala kang pamalit ng damit?" tanong niya pagkatapos akong lagyan ng towel sa likod.

"Oo. Meron," medyo lumayo ako lalo't ayaw kong maging awkward sa iba.

Nakakahiya lang sa mga kasama ko lalo't halatang naiilang sa presensya isang 'to.

Bumalik kami sa ensayo habang siya'y tahimik lang na nakikinuod sa bleacher. Iyon nga lang, hindi ako makapagconcentrate kung may lumalapit-lapit sa kanya para magtanong siguro. Kalaunan, 'di ko na binigyan pa ng pansin dahil mas tinudo ng trainer namin ang pagpolish ng routines.

Around four, natapos na kami sa wakas. Before I could even ask Willow to go with us to eat, tinakbuhan na ako kasama ang iba pa naming ka-grupo.

"Saan mo gusto?" tanong niya.

Napaisip ako bigla kung saan nga ba masarap kumain. Well, Villa beach sound goods to me.

"How 'bout seafood in Villa?"

Hindi niya ako nasagot kaagad. "Uh... I've never been there,"

Kaya naman pala natagalan siyang makasagot. And for real? Hindi pa siya nakapunta roon? Okay, so we'll go then. It's a must that he goes there.

"E 'di mas lalong dapat tayong pumunta roon. Maganda at kita mo ang isla," kindat ko pa sa kanya.

Kumuha kami ng taxi para mabilisan lalo't gutom na rin naman ako. We opted to eat in Matmat's. Sa dulong bahagi kami naupo para mas makita ang dagat at ang Guimaras.

Tinuro ko ang malayong isla nang makasettle down na. "Don't you miss it often? I mean... hindi naman malayong-malayo, hindi ba? Madalas kang umuuwi sa inyo?"

Binaling ko ang tingin mula isla papunta sa kanya. Range is clearly thinking deep whilst looking at the island too. Binalik niya sa akin ang tingin kaya ako napa-ayos ng upo.

"Namiss din naman. Umuuwi lang ako kapag kailan ko gusto. My parents aren't there, Saint." aniya.

I nodded, but deep inside I sighed out of relief. Akala ko kasi mag-iiba na naman ang ekspresyon niya at pati tono niya nag-iiba rin na parang ayaw niyang pag-usapan ang personal niyang buhay. Nasasanay na nga medyo ang sistema ko minsan, pinagpapawalang bahala na lang.

He blinked twice, still a tad uncomfortable. "They only visit for a bit then off again to work."

Siguro'y mali ako na sa plantasyon nagtatrabaho ang magulang niya, gaya ng inisyal kong akala. Baka sa Manila o sa karatig na isla nagtatrabaho at bumabalik lang kapag bakasyon. Binitawan ko na ang topiko lalo't away ko namang pilitin ang tao na mag-share kung ayaw niya.

Deceive me, Love (Buenavista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon