Chapter 2

4.1K 70 30
                                    

Chapter 2
Kiss


"Saint, tara na. Hindi mo na iyon makikita pa. At teka lang, sigurado ka bang hindi ka nanaginip o lasing man lang kagabi?" Willow forcibly pulled me towards the passenger boat cos I kept resisting to go.

Nag-aantay akong magpakita si Range kahit alam kong imposible naman. I mean, ba't nga ba ako umaasang makikita pa siya, eh, mukhang nagmagandang loob lang naman ang tao kagabi na samahan ako. Na walang ibang kahulugan iyon na pilit iniisip ng utak ko ngayon.

After a moment, I defeatedly sighed.

Sumama na ako sa paghila ni Willow papasok ng bangka pauwing Iloilo dahil mukhang bigo nga talaga akong makikita pa si Range. Isang beses ko pang nilingon ang wharf pero wala talaga.

Sayang...

"Baka nananaginip kang kinausap-"

Umawang ang bibig ko sa pagkainsulto kay Willow. "Hindi ako lasing kagabi, ano ba, Willow? Totoo nga'ng sinundan niya ako papalabas ng rave at saka dinala sa palengke. Pagkatapos, kinausap pa sa playground ng plaz-"

Tinaas siya ang kanang kamay kaya ako natigil. Kumunot ang noo ko.

"At sino ang may kasalan kung gayon?" taas-kilay niyang tanong.

Ang ibig sabihin ni Willow ay kung sino raw ba ang sisisihin sa aming dalawa Range lalo't 'di naman namin hinihingi ang number ng isa't isa. Napakapalpak daw sabi pa niya. Ang akin lang naman, paano ko pa maiisip ang mga maliliit na detalye kagabi kung humahalo ang emosyon ko?

Like... it was the best I could, you know. Pero tama nga si Willow, baka nga kasalan ko talaga na nagmaganda ako at 'di kinuha ang numero ni Range. And unfortunately, his first name doesn't really help that much. Wala kasing mahanap Willow ng i-search niya ang pangalan niya sa Facebook.

Nakakainis na wala.

"Range lang talaga ang nakuha mo at walang apelyido? Kung Range lang, malabo, wala akong nahahanap, eh. So, paano na 'yan?"

At sa galaw at estado ko'y parang 'di ka lang ka-b-break ah? Kuryoso lang din naman ako kay Range, iyon lang ang rason ko kung ba't ko siya hinahanap. Certainly not because I like him or something. Walang ganoon.

"Kung sana ay sa Iloilo siya nag-aaral? Mabilis sana nating makikilala kaagad."

Napanguso si Willow.

"Mas mabilis sana kung may apelyido lang," reklamo ni Willow, halatang pinapakonsensiya ako sa 'di ko pagkuha ng buong pangalan ni Range.

Or maybe he gave me a fake name?

"N-U-R-S-I-N-G!" Willow shouted at the top of her lungs.

Napatabon na lang ako ng tainga nang halos nag-aaway na ang mga colleges sa pag-chi-cheer. Nirarampa na kasi ng mga higher years ang different uniforms nang bawat colleges. Medyo marami nga ang sa amin kumpara sa ibang colleges dahil may scrubs at gala attire pa.

"Iba talaga ang hatak ng mga taga-CBM, 'no? Ang kikinis ng balat." bulong ni Willow.

Kakatapos lang na rumampa ng mga taga-CBM ng uniforms nila. Tumango ako para sumang-ayon sa kanya. Tama nga siyang mga may hitsura ang mga taga-CBM.

After the morning orientation, tumulak kami ni Willow kasama ang ibang mga ka-batchmates para kumain sa bakeshop dito sa gilid lang ng University. Kinilala namin sila ng maigi bago pinagdesisyunang bisitahin ang nursing building sa dulo ng university. May oras pa naman kami magliwaliw bago ang afternoon program.

Naupo kami sa harap ng CICT kung saan may mga study tables. Nakikita rin namin ang pagdaan ng ibang higher years papuntang coop, at masasabi kong nakakamanghang tignan ang uniforms kapag suot-suot na. Ang linis-linis kasing tignan.

Deceive me, Love (Buenavista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon