Chapter 36
DefendMay nagsasabi sa loob-loob ko na labanan ang binabato niya sa akin, na may karapatan akong magalit na heto siya at sinisira na naman kami gaya ng dati. May karapatan ako dahil girlfriend ako ni Range. Siya ba ano? Kasusyo sa negosyo, childhood friend or ex? Kahit na alin siya sa nabanggit ko, ganoon pa rin, wala siya nang karapatan na meron ako.
Natigil ang pag-iisip ko ng malalim nang sa wakas ay huminto ang Jeep niya. Narito kami sa sapa ngayon, mas naaaninag ko na ang paligid, 'di gaya noon na gabi kami pumarito. Sinundo niya ako pagkatapos niya ng trabaho para masulit daw namin ang araw niya.
Pagkatapos ng sagutan namin ni Claudia sa kuwadra, nilubayan niya rin ako na para bang tapos na ang misyon niya para sa araw na 'to, at iyon ay ang buwesitin ako ng lalo.
I fake a smile at him. Sabay iyon sa pagpatay niya ng makina ng sasakyan. Nauna akong lumabas at sumandal sa pintuan ng Jeep.
"How's work?" I asked first.
Tinabihan niya ako kalaunan 'tsaka ginaya ang paghilig ko bahagya sa sasakyan.
"Fine, but I want to spend the rest of my day with you alone," aniya bago ako nilingon.
May kung ano ring bumubulong sa loob-loob ko na isumbong na ang mga pinagsasabi ni Claudia pero 'di ko magawa, nawawalan ako ng enerhiya kahit isipin lang. How can I do that when I am this fucking frightened?
I smiled again, fakely, of course.
"Then we'll do that. Ano bang gagawin na'tin dito? Don't tell me..." I narrowed my eyes at him remembering what happened here the last time!
Natawa s'ya sabay iling. Nagulat na lang ako sa pag-angat niya ng laylayan ng t-shirt para hubadin iyon sa harapan ko. Napaatras ako sa gulat.
"In broad day light? What the hell, Range! Baka may makakita na ngayon!" pasigaw kong bulalas sa ginawa niya.
Impatiently, he threw the t-shirt on my face, at the same time, unbuckling his belt. Umiwas ako ng tingin patungong sapa bago ko pa makita ang susunod niyang gagawin. At sa pag-iwas ko ng mukha'y siyang pag-alingawngaw ng pagtawa niya sa buong lugar.
My face heated when he dipped in the stream. Malaking sampal sa mukha na iba-iba na naman ang iniisip ko!
Pinasadahan niya ng kamay ang basang buhok.
"In broad daylight, I intend to just take a dip, Saint. Unless you have anything else in mind. May imbitasyon ka ulit?" aniya nang may ngisi sa labi.
"Wala akong imbitasyon. Namimihasa ka naman," sarkastiko akong natawa sabay bukas ng Jeep para ilagay ang damit niya sa loob.
"Nahihiya ka pa. Iba ang iniisip mo kani-kanina lang ah? Namimihasa ka ring magsinungaling?"
Kahit na medyo basa, naupo ako sa malaking bato sa paanan ng sapa, walang ganang maligo kagaya niya.
His playful smirk is literally not going anywhere now unless I tell him the truth. So...
"Yes. I was... thinking we'd have sex here just like the last time. Happy?"
Napailing siya sa naging sagot ko. Ni hindi ko nga masabi kung dismayado ba iyon o 'di lang makapaniwala sa 'di ko pagpapaligoy-ligoy.
BINABASA MO ANG
Deceive me, Love (Buenavista Series #1)
RomanceFirst book of Buenavista Series Saint lost her trust in love when she caught her boyfriend cheating during Manggahan Festival in Guimaras Island. Nawala na ang tiwala niyang may matino pang lalaki sa mundo ngunit paano kapag may makikilala siya sa g...