CHAPTER 1
"Try harder next time," Mama said before she flashed a smile. Ngumiti na lang din ako at nakatungong kinuha ang report card ko. "It's not bad, Ab... don't get me wrong, maganda ang grades mo. The thing is... I want the old Abreu Gayle back. 'Yung parating nasa listahan ng honors."
I pursed my lips and looked at Mama before trying to smile and nod. "Opo..."
Bumuntong hininga si Kuya ng malakas. Paulit ulit dahilan para mapatingin kami ni Mama sa kanya. Tinaasan siya nito ng kilay. "Ano? May problema ka ba sa paghinga?"
I pursed my lips.
Minsan naiinis ako kapag ganiyan si Mama, nag tataray or nagiging sarcastic. Pero ang sabi nilang lahat ay mana ako kay Mama, pareho kaming masungit at mataray. Kaya hinahayaan ko na lang.
"Ma, 'wag mo namang i-pressure si Ab. Ginawa niya naman 'yung best niya," kunot noong sabi ni Kuya bago padabog na kumain.
Mali... mukhang kaming dalawa ni Kuya... nag mana din kay Mama.
I smiled at Kuya. "Kuya okay lang. I didn't do my best."
Totoo naman 'yun. Simula nung mag-aral ako ay parati akong may honors.
Maybe I was so full of myself. I'm too confident that what ever I do, I'll think that I'll still be on the list.
I'm always on top. Parati akong nasa pilot section. Except last year na nalipat ako sa second section tapos hindi pa ako nasali sa honorable mentions. Tapos ngayong third year highschool na ako, wala na rin ako sa second section. Kailangan ko na talagang ayusin.
"'Wag munang mag boyfriend," nakangiting sabi ni Yaya habang nilalagyan ng tubig ang baso ko. Nahihiya ko siyang nginitian.
Tumawa si Kuya. "Hindi 'yan... eh parang hindi pa nga 'yan nag c-crush simula kinder. Highschool na 'yan pero wala pa ding crush," aniya.
Hindi ko napigilan ang umirap.
"Tao ka ba?"
Sininghalan ko siya at binaba ng malakas ang kubyertos ko dahilan para pagalitan kami ni Mama. Tinawanan lang siya ni Kuya.
Paano ako magkakaroon ng crush kung parati silang nagpapaalala na dapat ay puro lang ako aral?
"Ano?" Kunot noong tanong ni Kuya nang hanggang ngayon ay nakatingin pa din ako sa kanya. Nasa school na kami at usually ay iniiwan niya na ako sa gate pa lang.
I pursed my lips. "Kuya, can I borrow twenty pesos? I need to buy a new notebook. Hindi na kasi nakabalik saakin 'yung math notebook na hiniram ni Sir Valdez."
"Ah, akala ko hahatid pa kita sa room niyo," nakangisi niyang sabi habang binubuksan ang bag niya. Umirap ako. Nung grade seven kasi ako ay parati akong nag papahatid sakanya. Nahihiya kasi ako... "Oh, bayaran mo 'yan!"
Ngumiti ako at tinanggap 'yung binigay niya. "Thank you, Kuya." Nakita ko sa 'di kalayuan ang mga barkada ni Kuya. Si Kuya Andy, Nash at John. Tinignan ko si Kuya at tumango. "Pasok na po ako."
Tinanguan niya lang ako at pinaalis na kaagad. He doesn't want me near his friends. Matagal na silang mag kakaibigan pero hindi ko sila nakakausap o nalalapitan manlang. Kahit naman kaninong lalaki.
Binuksan ko ang locker ko at kinuha ang mga libro at notebooks na kailangan ko. I tilted my head when I saw an envelope. I sighed. Probably from another secret admirer. Kinuha ko 'yun at inipit sa math book ko. Sinara ko ang locker at buntikan na mapatili ng bumungad saakin ang mukha ni Louise, friend ko.

BINABASA MO ANG
What Makes Life Divine│Valiente #1
Teen Fiction(Valiente #1) There's nothing more important to Abreu than staying on the list of honorable mentions. Not until she met Gael, a senior high school student. She then, figured that she's starting to like him. Some girls at fifteen already had experien...