CHAPTER 27
After five days of being absent, pumasok na ako. Pumunta si Mama kahapon sa school para kuhanin ang card ko. I was kinda dissapointed when I didn't recieved a certificate. I have to work harder para makapasok na talaga ako sa honors. Last na 'to. Kailangan ko nang ayusin.
"Hala, nagkiss kayo?!" Gulat na bulong sa akin Zoe nang madulas ako. I closed my eyes. They were asking what happened to us. Hindi ko naman sinasadya na masabi ko 'yun!
Denise looked at me confused. "Tapos... hindi pa kayo?"
I pursed my lips and nodded.
Zoe's forehead creased. "Huh? Hindi kayo? Hala, akala ko kayo na!"
I shook my head. "No..."
"Bakit?" Denise asked. "Ah... nililigawan! Kailan mo sasagutin—"
"Hindi rin siya nanliligaw," sagot ko. Shock was evident to their faces. I pursed my lips when they're still looking at me.
"Huh, bakit hindi? Tagal niyo na..." Zoe said.
"Why don't you ask him?" Denise asked.
Nanlaki ang mata ko habang umiiling. "Uh, no..."
Hindi ko naman ma-imagine ang sarili ko na ganoon! Paano ko siya tatanungin? 'Gael, bakit hindi mo pa ako niligawan?'
Hindi pa man nangyayari ay alam ko na na katahimikan at awkwardness ang susunod na mangyayari once na tinanong ko 'yun.
Natawa si Zoe. "Hulihin mo. Parinig ka, ganon. Kasi... paano... kung naglalaro lang pala siya, 'di ba?"
Mahina na tumawa si Denise. "Based on experience talaga..."
Tinignan ko lang silang dalawa. Zoe glared at Denise at nanahimik na lang ako.
Ganoon ba talaga ka hard ang Kuya ni Gael kay Zoe?
Nakikinig naman ako sa sinasabi nung teacher pero once na naalala ko 'yung tanong nina Zoe at Denise ay nag o-over-think ako. Oonga... bakit nga ba hindi? The first thing that he did was to confess. Pero hindi 'yun nasundan ng tanong about sa panliligaw.
Ayaw niya ba... Na maging girlfriend ako?
But...
I sighed.
Dumating ang lunch at kami-kami nanamang lima ang magkakasama. Tahimik akong kumakain kasi hindi talaga ako mapakali roon. Nakikinig lang ako sa usapan nila na puro asaran nanaman.
"Nag omegle ako," sabi ni Andrew tapos humalakhak. "May naka-usap ako. Ang ganda. Niloko ko, 'yun nagskip."
"Niloko?" Tanong ni Denise.
"Oo, sabi ko ang ganda niya. Ba't ang ganda niya?" Aniya at humalakhak. "Akala niya siguro tambay ako sa kanto."
"Ba't 'di ba?" Sarkastikong tanong ni Jaeden habang seryoso ang mukha. Tinignan din siya ni Andrew ng ganoon. Mukha nanaman silang tanga.
"Sabi ko mag omegle ka rin! Hanapin natin isa't isa!" Sabi ni Andrew na mukhang nagtatampo.
Jaeden shrugged. "May nakausap ako, eh. Natagalan... nasarapan lang kasi ang tino niya kausap. Ang sarap kaya sa pakiramdam na makahanap ng matino pagkatapos mo makakita ng mga hotdog."
I winced.
And then naging bastos nanaman ang topic nila.
I tried diverting my over-thinking through studying. Kailangan ko na talaga kasi ayusin. Last quarter na 'to. At kapag 'di pa ako nakapasok sa honors ngayon, 'di ko na talaga alam ang sasabihin ni Mama.
![](https://img.wattpad.com/cover/231313353-288-k58643.jpg)
BINABASA MO ANG
What Makes Life Divine│Valiente #1
Teen Fiction(Valiente #1) There's nothing more important to Abreu than staying on the list of honorable mentions. Not until she met Gael, a senior high school student. She then, figured that she's starting to like him. Some girls at fifteen already had experien...