CHAPTER 20
For the past days... Nagiging maarte na ako sa mga kinikilos ko. Kahit alam kong wala si Gael sa paligid ay nagiging maarte ako. Minsan kasi ay sumusulpot sulpot siya. Nag k-klase kami tapos minsan nakikita ko siya sa labas. Nag P-PE kami, tapos nakikita ko siya sa labas ng gym. Bumibili ako tapos nakikita ko siya sa gilid, nakatingin sa akin tapos ngingiti.
"Kaano ano ni Dela Cruz si Cortes?" Nakangising tanong ni Miss Pauline habang nakaupo sa lamesa at may pinapasulat sa aming lecture. I pursed my lips and shook my head.
Ano ba problema niya sa mga naglalandian dito?
"Ma'am, ang pakielamera mo," inis na bulong ni Jaeden na kinatawa ko. Nagpigil rin ng tawa sina Denise at Zoe pero si Andrew ay humalakhak. "Tol naman, ang ingay mo..."
"A teacher should teach, not meddling about her student's life..." inis na bulong ni Jaeden.
I nudged him. "Huy..."
He rolled his eyes. "You're so naive, Abreu. Paano kung kayo ang ginanyan niyan ni Gael? 'Di ka maiinis?"
"It's not right. Pero mas matanda pa rin siya..."
He scoffed before whispering, "Right... If you're young your opinion isn't valid."
My forehead creased. "Dude, are you okay? Bakit ka ganiyan ngayon-"
"Ano, Jeon at Austria? 'Di pa tapos magligawan?" Pangangasar ni Miss dahilan para asarin din kami ng mga kaklase namin. Namula ako. Ngumuso ako at lumayo ng kaonti kay Jaeden.
"Luh, wala na..." sabi ni Jaeden na kinalaki ng mata ko. Napatingin ako may Miss pero nakangisi lang ito. Gago talaga 'tong si Jaeden! "Epal kasi si Miss."
Humalakhak si Miss.
Umirap si Jaeden at bumulong sa akin. "She thought I was joking with her..."
Tumawa lang ako at nagsulat ulit. Medyo lumayo ako kay Jaeden kasi baka maasar nanaman kami. After class, my forehead creased nang makita ko si Gael na nasa labas ng classroom at mukhang hinihintay ako.
"I missed you, hatid kita please?" Aniya na kinamula ko. Ilang araw niya lang naman akong hindi naihatid. Ilang beses niya na rin akong nahatid. Pero hanggang terminal lang ng tricycle kasi... I don't want us to get caught!
I nodded. "Okay..."
He chuckled before he took my notebooks. "Namumula ka naman."
I rolled my eyes. "Kailangan mo pa bang sabihin sa akin?" Tanong ko bago hawakan ang pisngi ko na kinatawa niya.
"Naol," sabi ni Andrew. "Okay lang tayo, Jaeden, ano?"
Hindi ko napigilan ang umirap.
Tumawa si Gael at inakbayan ako. Hindi ko alam kung inaasar niya ba ako o pinagmamayabang niya ako.
Namula na lang ako sa ginawa niya.
"Puta-Ahh!" Tili ni Andrew habang pinapalo si Jaeden na animo'y kinikilig. Habang si Jaeden ay lukot ang mukha habang nakatingin sa lapag at hinahayaan na abusohin siya ng kaibigan.
Gael chuckled. "Let's go..."
Nang makalayo na kami ay inalis ko kaagad ang braso niya sa mga balikat ko na kinanguso niya.
"Not here..." I said. I don't really like being sweet in public. Pero kung kaming dalawa lang? Kahit yakapin niya pa ako, ayos lang.
He chuckled before saying, "Okay, bb."
BINABASA MO ANG
What Makes Life Divine│Valiente #1
Novela Juvenil(Valiente #1) There's nothing more important to Abreu than staying on the list of honorable mentions. Not until she met Gael, a senior high school student. She then, figured that she's starting to like him. Some girls at fifteen already had experien...