CHAPTER 29
Bumagsak ang mukha ko. I stared at him first before I let go of the hug. Nagawa ko naman kaagad 'yun dahilan para makalayo ako sa kaniya kaagad.
"Akio..." I called before sitting on the hammock.
Agad namang lumapit sa akin si Akio na kinangiti ko na lang kahit medyo hindi ako masaya...
"Abreu..." tawag niya sa akin na may tono ng lambing. Nag squat siya sa harap ko dahilan para tumingin ako sa kaniya.
"Hmm?" Tanong ko na kunwari'y hindi ako nakakaramdam ng tampo.
Tumingin ako sa paanan ko at nilaro ang mga damo gamit ang paa. I heard him sighed that made me look at him.
"I'm sorry if I dissapointed you..." He said.
I forced a smile. "It's okay... If ayaw mo, ayos lang—"
"Hindi naman sa ayaw ko," he said. "It's just that... you're young."
I smiled and nodded. "It's okay... I get it..."
Pero mukhang hindi siya kumbinsido sa sagot ko. He sighed before calling my name again. "Abreu..."
I pursed my lips and stood up. Napatayo rin siya. Yumuko ako para bitbitin si Akio. I looked at him again. "Uh, papasok na ako... Hindi ka pa ba uuwi?"
Umawang ang labi niya at bumagsak ang balikat. "Ayoko pang umuwi..."
"Huh? May pupuntahan ka pa ba?" Tanong ko kahit alam ko namang gusto niya pang manatili rito. Ayoko lang na magsama kami hangga't ganino ang nararamdaman ko...
He sighed. "Gusto pa kita kasama."
"Baka maboring ka lang... May gagawin pa kasi akong school works," pagsisinungaling ko.
"I won't," he said and stood propely.
Bumuntong hininga ako at tumango na lang. Tinalikuran ko siya at pumasok sa loob ng bahay. I opened the door for him at pumasok naman siyang nakatingin pa rin sa akin.
"Oh, nandito si Gael?" Yaya asked, smiling when she saw us. Binaba ko si Akio. "Nako, wala naman dito si Aldrin—"
Hindi natapos ni Yaya ang sasabihin niya ng maliit ko siyang nginitian.
Umawang ang labi niya at tumango ng nakangiti. "Ah..."
Ngumiti ako bago umakyat ng hagdanan. Hindi kaagad nakasunod si Gael kasi nagbatian sila ni Yaya. Nang makapasok ako sa kwarto ko ay saka ko pa lang naramdaman ang presensya niya. I don't know what he was doing. Nakatalikod ako sa kaniya at nakaupo sa study table ko.
Kinuha ko 'yung cellphone ko at nakaramdam ng saya ng magchat ang adviser namin na may assignment siyang nakaligtaang sabihin.
Ginawa ko kaagad 'yun para roon matuon ang atensyon ko. Pakiramdam ko ay nakaupo siya sa kama ko habang nakatingin sa likuran ko.
"Abreu?" He called when I put down my pen and closed my notebook. "Are you done?"
Ayun nanaman 'yung tono ng lambing sa boses niya. Parang 'yung tampo ko ay biglang nawala dahil sa pagtawag niya sa akin sa ganoong paraan.
Lumingon ako sa kaniya at ngumiti. "Yeah... Uuwi ka na ba?"
"Bakit ba gusto mo akong pauwin?" He asked, forehead creased.
My heart raced.
I shugged. "Wala ka namang gagawin rito..."
He sighed before looking around. He saw the UNO cards on my side table. Kinuha niya 'yun at pinakita sa akin. He held my hand and gently pulled me to sit beside him.
BINABASA MO ANG
What Makes Life Divine│Valiente #1
Teen Fiction(Valiente #1) There's nothing more important to Abreu than staying on the list of honorable mentions. Not until she met Gael, a senior high school student. She then, figured that she's starting to like him. Some girls at fifteen already had experien...