CHAPTER 32

108 7 6
                                    

CHAPTER 32

Christmas... went well. I think

    Kunot noo ang tingin ko habang nakatingin kay Papa na nag-aayos ng handa namin, tinutulungan si Mama. Dumating siya kanina rito. Hindi ko inaasahan.

    Hindi naman nag c-celebrate ng christmas si Papa dito. Never. Tuwing pasko, kaming tatlo lang parati. Wala rin si Yaya dahil umuwi siya sa pamilya niya.

    "Ab," Kuya said. Napalingon kaagad ako.

    Tinaasan ko siya ng kilay. "Po?"

    He glanced at our parents before smirking. "Umalis ka diyan."

    "Bakit?"

    Sumeryoso ang mukha niya. Parang may ibig siyang sabihin na hindi ko kaagad nakuha. "Umalis ka, nababanas kasi ako sa pagmumukha mo!"

    Sumama rin ang mukha ko. Sinaway siya ni Mama dahil ang ingay niya pero hinatak niya lang ako palayo sa kusina.

    "Kuya, bakit ganoon? Sila na ba ulit?" Tanong ko nang makalayo na kami ni Kuya roon. Bakas sa tono ko ang excitement nang tanungin ko si Kuya nun.

    Umupo siya sa sofa at nagkibit-balikat. "Siguro. Ewan. Sabi ni Lauren nagaway raw sila ni Tita Vic."

    Nangunot ang noo ko. "Kaya na kay Mama siya ngayon?"

    Nahinto si Kuya sa ginagawa niya at nagangat ng tingin sa akin. Umiling siya. "Walang pake si Papa kay Audrey, Ab... Kaya baka iba ang dahilan kaya siya nandito."

    "Dahil sa 'yo?"

    "Parati naman akong nandito, pero fifteen years siyang 'di pumunta dito."

    Umupo ako sa tabi ni Kuya, hindi pa din inaalis ang paningin sa kaniya. "Dahil sa akin?"

    Tinignan niya ako na parang may sinabi nanaman siya na hindi ko nakuha ang ibig sabihin. "Alam mo... You're so stupid."

    Sumama muli ang itsura ko. "Ang dami mo naman kasing alam. Hindi mo na lang diretsuhin."

    He rolled his eyes and sat properly. Kinuha niya 'yung remote sa coffee table at binuksan 'yung TV. Nakaupo ako sa dulo ng sofa... Kung saan kami nag holding hands ni Gael.

    I smiled at that thought.

    Speaking of him... I haven't talked to him for three days straight dahil kasama niya ang family niya. Nakikita ko nga sa tagged post nila ni Kuya Arsen na parang iba't ibang lugar ang pinupuntuhan nila araw-araw.

    I miss him already...

I was really confused. Bakit dito nag Noche Buena si Papa? Akala ko ay uuwi na siya nang mag alas dose na. Pero hindi. He greeted us a merry christmas. He gave me a new phone, and he gave Kuya a motor.

    "Naks may iPhone 11. Tapos may grade 11—"

    Malakas ko siyang siniko. He over reacted. As if it hurts... Ako pa nga ang nasaktan dahil sa tigas ng muscles niya sa tiyan.

    Tumingin ulit ako kay Papa na ngayon ay may kausap sa telepono.

    "Kuya, are sure they are not together?" I asked him, na kay Papa padin ang paningin ko.

    "Hindi papayag si Audrey," may bahid na inis sa boses ni Kuya. "As much as I want them to be together again... I know that is impossible. Mahilig magtanim si Audrey ng sama ng loob."

    I sighed.

    Umakyat na ako sa kwarto ko nang makaramdam ng antok. Hindi ko na kinulit si Kuya kahit gulong gulo na talaga ako.

What Makes Life Divine│Valiente #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon