CHAPTER 5
Kakapasok ko pa lang, ay ngayon ay nasa harapan ako ng locker ko para kuhanin ang mga gamit ko nang makarinig ako ng mga ingay sa likod ko. Pero hindi ko 'yun pinansin. I already knew who it was.
"Tapang sa away pero sa babae..." sabi nung lalaki. Pamilyar 'yung boses niya. Isa ata siya sa mga senior high na nakakasalamuha ko. "Sige na, Gael."
"Ayoko nga—"
Napatili ako nang mabangga niya ako dahilan para bumangga rin ang katawan ko sa harapan ng mga locker kung saan tumama sa dibdib at collarbone ko 'yung mga padlocks nung locker.
"Tang—Hala, sorry!" He said. Hindi niya pa alam kung haharapin niya ba ako o ano. Nararamdaman ko na nag p-panic siya sa likuran ko. I was closing my eyes while my hand were massaging my chest, where the padlocks hit me. "Abreu..."
I sighed. Kinuha ko 'yung mga gamit ko na nakapatong sa taas ng locker at nagmartsa papalayo sa kanila. I know I was rude... Pero... Nakakainis! I was holding my chest while walking hanggang sa makapasok na ako sa classroom.
Hindi ko sinasadya na padabog na mailagay ang mga gamit ko sa desk dahilan para mapabangon ang tahimik na natutulog na si Jaeden. His eyes were chinky. He glared at me before removing his pullover hoodie. Nangunot ang noo niya at linapit ang ulo sa akin dahilan para mapalayo ako.
Nanlaki ang mata niya. "Gago... ba't may chikinini ka?" Aniya. Nanlaki ang mata ko at kinuha ang salamin para tignan 'yun. Nagpasa na siya... muli akong tinignan ni Jaeden habang nakangiwi. Pero ngumisi siya at sinabing, "Batang pasaway..."
I rolled my eyes. "It's not what you think it is!"
He chuckled. "Paano kita seseryosohin kung ang ganda ng accent mo?" He asked, laughing before repeating what I said with my accent. Tumigil siya ng makita ang seryoso kong mukha. "Minarkahan ka na talaga ni Gael 'no—"
Ngumiwi ako. "Stop it, Jaeden! Ano ba..."
Pero tinawanan niya lang ako. PE shirt kasi ang suot ko ngayon kaya medyo nakikita ang dibdib ko. 'Yung old PE uniform pa naman ang suot ko na V-neck. Our daily uniform includes a beige skirt and a beige blazer and a beige-pink necktie. Sa lalaki naman ay itim na pants at beige na blazer.
Umupo ako habang sinusubukang takpan ang dibdib ko. Napatingin ako kay Jaeden nang ilahad niya ang hoodie niya. Kinunutan ko siya ng noo pero tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Ayie," bulong ni Andrew.
Jaeden nudged him before raising his brows at me. "Sa susunod kasi, doon sa tago—ako na lang magsasabi sa kaniya na doon ka lalagyan sa
tago—""Hindi nga kasi!" Naiinis kong sabi.
He pursed his lips, containing his laugh. Pero 'yung katabi niya ay humahalakhak na. "Pre, agagalit!"
I rolled my eyes and snatched his hoodie. Sinuot ko kaagad 'yun para wala nang makakita at mali ang isipin.
"Who's hoodie is that—is that... Jeon's?" Belle asked. I nodded and she squeled. Nang makadating si Louise ay hinatak niya kaagad 'to at pinaupo sa tabi niya. "Lumalandi na si Abreu!"
Nanlaki ang mata niya at tinignan ako. She nodded a little before asking, "Talaga? Sino?"
I rolled my eyes. "It's not..." I sighed. Bakit ba ganinto ang mga tao? Bakit ang dami kong explanations ngayong araw na 'to? "Nagkaroon ako ng pasa sa dibdib kanina. And it kinda looked like a kiss mark... So... He let me borrow his hoodie."
BINABASA MO ANG
What Makes Life Divine│Valiente #1
Ficção Adolescente(Valiente #1) There's nothing more important to Abreu than staying on the list of honorable mentions. Not until she met Gael, a senior high school student. She then, figured that she's starting to like him. Some girls at fifteen already had experien...