CHAPTER 6
"Sino sila Kuya? Hindi mo naman sila kaibigan..." I asked. Sa pagkakaalam ko nga ay kaaway niya pa 'yung mga kaibigan na 'yun ni Gael.
Kuya shrugged. "New friends... bawal ba 'yun?"
"Hindi na kayo friends nina Kuya Andy?" I asked. Kasi kung hindi na? Sayang naman... ilang years na silang magkaibigan. Hindi na siguro nila natiis si Kuya—
"What? No," tanggi niya. "Madadagdagan lang kami," aniya at lumapit kay Yaya. Humigop ako sa milktea ko at ngumuya nung cake. "Kaya bukas, Ya... pupunta sila rito. Kakain lang ganon, tas mag babasketball kami diyan—"
"Hindi papayag ang Mama mo. Kahit naman wala kayong balak na gawing masama ay nakatatak na sa utak niya na iinom kayo. Pasalamat ka ay pumayag siya nung birthday ni Abreu."
Umiling si Kuya. "Hindi naman uuwi si Mama bukas. May pinuntahan siyang lamay, right? Kaya sige na, please, Yaya..."
Gusto kong masuka ng ngumuso si Kuya habang pinagdidikit ang parehong palad.
Tumango si Yaya. "Sige—"
"The best talaga si Melchora!" Sabi ni Kuya. I laughed. He liked calling Yaya by her name. And sometimes, he liked calling Mama 'Audrey'.
Then what Kuya said hit me.
Pupunta sila Gael? Bukas?
"Ab," tawag niya saakin kaya lumapit ako sakanya ng nakataas ang kilay. "Madaming lalaki bukas dito... 'wag kang lalabas ng kwarto mo."
Umirap ako. "Bakit? Bahay ko rin 'to..."
"Crush ka ni Andy dati. Nagagandahan sa 'yo si Nash, tapos hinahangaan ka ni John sa acads mo. Hindi man sinasabi saakin ng iba ko pang barkada pero alam ko na hinahangaan ka nila. Tapos bukas ay first time na pupunta dito 'yung mga bago kong barkada... Isa lang ako, Ab. Hindi ko na kaya pang bakuran kita."
I hid my smile.
Hindi ko alam... pero imbis na mainis ay na t-touch ako. Siguro dahil kaonti lang ang mga taong nag c-care sa akin, kaya sa ganintong bagay ay hinahaplos na ang puso ko.
Other people might think that he's always overreacting— I mean, yes. Yes. He does... But I have no problem when he's like this with me.
"Sige, po..." I said.
Kinuha ko 'yung mga gamit ko sa locker ko. Ilang mga libro, at puro mga notebook na. Medyo madami 'yun dahilan para buntikan nang mahulog. Tinaas ko ang binti ko para saluhin ang mga nahulog na libro.
"Need help?"
Nangunot ang noo ko at lumingon. He gave me smile, a shy smile.
Hindi pa man ako sumasagot ay kinuha na niya 'yung mga hawak kong libro at notebooks. "Ang dami naman nito... Masipag ba talaga mga Austria?"
I gave him a small smile. "Kilala mo Kuya ko?"
Obviously, Abreu!
He chuckled. "Of course. He made history from getting a lot of awards academically," he said, I laughed. That's true. Kuya was best in math, science, and filipino. Panalo rin ng debate, at kung ano ano pa. Kaya kapag nalalaman ng mga teachers na Austria ako at kapatid ko si Aldrin Gabriel Austria, ako na kaagad ang favorite nila, which is kinda unfair to other students. Gael slightly winced. "And..." he trailed. "I kinda had a fight with him."
"Oh..." I said, because I didn't know what to reply. Medyo naging awkward dahil pareho kaming naka titig sa isa't isa. "But... Okay na kayo 'di ba? Nakita ko kayo kagabi..."
BINABASA MO ANG
What Makes Life Divine│Valiente #1
Teen Fiction(Valiente #1) There's nothing more important to Abreu than staying on the list of honorable mentions. Not until she met Gael, a senior high school student. She then, figured that she's starting to like him. Some girls at fifteen already had experien...