Epilogue

327 16 5
                                    

Hi! I just want to congratulate and thank you for making this far! We're now at the last page of Gael and Abreu's story. I hope you have learned something from this story. And I hoped you enjoy reading WMLD as much as I enjoyed writing it.

EPILOGUE

"Hindi kayo mag-uusap? Madaming time 'yun ngayon, lalo na't last day ng mga nag advance exam," Sabi ni Benedict nang makita niya akong nililigpit ang mga gamit.

Sinabit ko sa balikat ko ang bag ko at umiling. Pinaglapat ko ang mga labi ko at nagkibit balikat. "Wala naman akong magagawa kung ayaw na niya."

Pity was visible from their stares. Tinanguan ko na lang sila at nilagpasan. Siyempre, hindi ako uuwi kaagad. Gusto ko siyang makita. Gusto kong makita kong ayos lang ba siya, baka na iistress nanaman kasi siya. Pwede naman kasi siyang magpahinga pero 'di niya ginagawa.

Half day sila ngayon, kaya ang pasok niya ay alas dose. Wala si Jaeden... Buti na naman, kaya wala siyang kasama. Mag-isa lang siyang nakaupo sa garden habang nag r-review.

Minsan na isip ko... Bakit ang dali dali lang sa kaniya? Bakit hindi niya manlang ba naisip na... ano... na... Itago na lang namin 'yung relasyon namin?

But she's Abreu... Mabait na bata. Masunurin. Kaya susundin niya ang gusto ni Tita. Though, hindi na niya nasunod 'yun kasi naging kami na. Dapat ba na matuwa ako na sumugal siya kahit alam niyang bawal?

Nangunot ang noo ko nang makita siya na kasama si Jaeden. Pero may isang babae rin silang kasama na hindi ko kilala. She stood up holding a science book. Then I remembered, ngayon nga pala 'yung championship nung academic contest niya.

"Good luck. Dito lang kami," Jaeden said.

Abreu nodded before walking away. Sumunod ako. Pinanood ko siya. She was just sitting right there while listening to the question with a poker face.

Kahit ang pagsusulat niya ay mahinhin. Nang itinaas niya ang white board ay mahinhin pa rin. Napangiti ako nang sabihin nung teacher ang apelyido niya dahil siya lang ang nakasagot ng tama.

Napakaganda...

Parang nung unang beses ko siyang nakita...

"Madaming magaganda sa grade seven ngayon," sabi ni Thomas habang nakaupo kami sa ilalim ng puno sa quadrangle at tinitignan 'yung mga nakapila na grade seven dahil may tour sila.

"Ano ka, si Arsen?" Natatawang sabi ni Benedict.

Napangiti at iling na lang rin ako. Last year may kafling si Kuya na grade seven... Pero iniwan niya rin kaagad kasi ang childish talaga ng relasyon nila. Ang arte nung babae. Parang bata. Kaya ayoko rin sa mga grade eight pababa.

"Ayun, Aldrina Gabriela. Kapatid ni Aldrin," Bulong ni Thomas kay Benedict dahilan para mapatingin rin ako. Hindi ko pa man nakikita 'yung babae sigurado ako na magiging war freak at plastic 'yun. Kapatid ba naman ni Aldrin.

Ngumiwi ako nang makita siya. She has this poker face na kapag nakasalubong ka niya ay parang bigla ka na lang niya tataasan ng kilay tapos sasabihin ng, 'Move, bitch.'

She's pale, magulo ang buhok niya, at medyo mataba. Pero maganda. Maganda siguro lahi nina Aldrin. Pero pangit ugali.

But that was what I thought...

"And... I don't know..." She said to her friend with a very low and soft tone. "I don't really care... He's annoying."

Nasa canteen kami. Nakaupo sila nung mga kaibigan niya sa likod namin. Wala naman akong intensyon na makinig pa. Pero kasi...

What Makes Life Divine│Valiente #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon