CHAPTER 21

127 6 0
                                    

CHAPTER 21

"Wow, what's that?" Nakangiting tanong ko habang excited na tinitignan ang steak na nakahanda sa lamesa. Papa was seating infront of me while meddling with his phone.

Ngumisi si Kuya. "Ako nagluto..."

Nakangiti akong tumango at naupo sa harap ni Papa. Habang si Kuya naman ay nakaupo sa kabilang gilid. Nakangiti akong kumuha nung steak at hiniwa 'yun.

"Kuya it's raw!" Sabi ko dahilan para mangunot ang noo niya at sinilip ang akin. It's still freaking pinkish na na glossy... "Look... it's mooing..."

"What?" Nakangiwi niyang tanong. "It's rare..."

"No it's not... hilaw siya," sabi ko at tumingin pa kay Papa na hinihiwa ang kaniya. Natawa siya at tinanguan si Kuya. Ngumiwi siya bago muling inagaw ang mga steak at muling niluto. Mayamaya ay bumukas ang pintuan at iniluwa si Mama.

Nanlaki ang mata ko at nagiwas ng tingin. Yumuko ako at pinaglaruan ang hawak hawak na baso ng tubig.

Lumingon si Kuya. "Yow, Audrey! Kakain na! Buti umuwi ka, Ma!"

I contained my laugh.

"Anong nangyari sa 'yo?" Masungit na tanong ni Mama.

"Hala... akala ko alam mo na," aniya at pilit na ngumiti habang kinakamot ang ulo. Tumingin siya sa akin. Nilakihan ko siya ng mata. Nilakihan niya din ako ng mata. "Eh, 'yung kay Ab alam mo na?"

"Huh?" Bulong ko.

"Alam mo na? Na may boyfriend na siya?"

Doon nag over-react si Mama.

"Kuya!" Sigaw ko.

Tumawa siya. "Char lang."

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Pero kinakabahan pa rin ako. Parati naman nang nag j-joke si Kuya about roon. Pero iba na pala pakiramdam kapag... kapag may tinatago ka na...

"Alis na ako," sabi ni Papa at tumayo.

My eyebrows furrowed. "Pa? 'Di ka na kakain dito?"

Ngumiti siya at umiling.

Bahagya akong tumango. "Babye po..."

Ngiti't tango lang ang sinagot niya bago siya umalis. Nagkatinginan kami ni Kuya at nagkibit balikat. Lumabas rin si Mama na kinakunot ng noo ko. Habang nakatalikod si Kuya ay tumayo ako para lumabas. Nasa labas sina Mama at Papa at naguusap.

I know... it's wrong.

But I wanna know what their talking about. Gusto kong malaman kung... may pag-asa pa.

"'Wag ka ng babalik rito—"

"Audrey, may lagnat si Aldrin."

"He can take care of himself. Hindi niya first time lagnatin ng walang nag-aalaga sa kaniya."

"'Yun ay dahil parati kang wala."

My lips parted. Wait, what?

Tumawa si Mama. "Oonga, eh. Parati akong wala..."

Bumuntong hininga si Papa at umiling-iling. "Whatever. Gusto ko lang alagaan ang anak ko—"

"'Wag ka nang babalik dito. You're upsetting Abreu."

Natikom ko ang bibig ko kasabay ng pangungunot ng noo. My heart tighten a bit when I heard my name that made it difficult for me to breathe.

Papa sighed. "She's not my daughter..."

"Keep telling yourself that," Mama said before turning her back at my father that made our eyes met. Her lips parted. Fear draw all over her face.

What Makes Life Divine│Valiente #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon