CHAPTER 19

143 9 2
                                    

CHAPTER 19

"Baka malate tayo," nagaalala kong sabi habang hininhintay ang order  namin sa Cornelia. Nagkita-kita kasi kami kanina, kaya nagkayayaan na rin.

    Tumawa si Zoe at hinawakan ang braso ko. "Chill lang, Abreu..."

    "Eto ba first time mong kumain muna bago pumasok sa school?" Ngumiwi ako at umiling. Eto pa lang ang pangalawang beses. At 'yung unang beses ay nalate ako.

    "Ayan na," sabi ni Andrew at tumayo. Pinanood ko siyang lumapit sa counter para kuhanin ang order namin.

"Walang I.D," sabi nung guard. I winced. Tinignan namin si Andrew na tahimik na sumisipsip sa frappe niya.

    He shrugged. "Naiwan ko, eh..." aniya at tumawa. Inirapan namin siya at naglakad papunta sa kabilang gate. Hopefully ay papasukin kami.

    "Nakakainis naman... Parang hindi naman niya tayo nakikita araw-araw," kunot noong sabi ni Denise.

    Tumawa si Jaeden. "Ganon talaga. Batas nang school eh. The law may be harsh but it is the law—"

    "Ay, puta! Dura lex sed lex! Ba't mo alam 'yun?" Natatawang tanong ni Zoe.

    "Tsk," ani Jaeden. I rolled my eyes before continued walking with folded arms. "Tol, Tol, Tol! Ipakilala mo nga kay Zo kung sino ang ama ko, wala pa silang kamuang muang sa mundo..."

    Then he started fixing his hair. Guguluhin niya tapos aayusin niya habang tinatakpan ang bunganga at iiling. Then Andrew introduced Jaeden's parents in a dramatically way.

    "'De joke lang, nabasa ko lang 'yun sa libro. Feeling ko kasi pagsinabi ko 'yun, matalino na ako nun, eh."

    Napailing na lang ako.

    Hinarang nung babaeng guard ang kamay niya at tinuro si Andrew na walang ID. I sighed.

    "Oh, cutting na lang!" Sabi ni Jaeden.

    "Huy, scholar lang ako rito," natatawang sabi ni Zoe.

    Aalis na sana kami nang may tumigil na motor sa harap namin. Kakabahan na sana ako dahil motor 'yun ni Gael.

    But he removed his helmet and my forehead creased. That's not Gael.

    Nakakunot ang noo niya at mukhang nakakatakot. But I know he's Gael's brother. They have the same eye color but his is a little brighter. Nangunot ang noo ko nang mapansin ang pagtalikod ni Zoe at saka pinagpatuloy ang pagkain ng fries.

    Nginitian kami nung lalaki bago tulungan 'yung babae na nakaangkas sa kaniya. Maybe elementary? Mukha pa siyang bata.

    "'Di kayo pinapapasok?" Nakangising tanong niya habang tinutulungan 'yung batang babae. I tilted my head, she does not look like Gael and Gael's brother.

    Tumawa si Jaeden at Andrew bago nilapitan 'yung Kuya ni Gael. Tumalikod ako para harapin sina Denise at Zoe na tahimik na kumakain, pero hindi nakatakas sa mata ko pangangasar sa ngiti ni Denise.

    "Sarap, Ab... Want mo?" Tanong ni Zoe. Ngumiti ako at tumango.

    "Tara na, Ab, Zo, Denise!" Tawag ni Andrew. Lumingon ako at nakita na papasok na sila. I raised my eyebrows when saw Gael's brother parking the motor while looking at Zoe's back.

     I pursed my lips before I poked the both of them and told them that we can now go.

    "Let's go," natatawang sabi ni Denise sa akin nang makapasok na kami at walang Zoe na sumunod. "Hayaan mo na, they need that..."

What Makes Life Divine│Valiente #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon