CHAPTER 10
"Kasalanan talaga ni Andrew 'to," sabi ni Jaeden habang umiiling. Kinagat niya ang dulo ng ballpen habang nakatingin sa papel niya at sumusulyap saakin. "Tangina, easy lang para kay Abreu 'to, eh!"
Hindi ko siya pinansin at nag-patuloy sa pag-susulat. May binigay si Miss sa amin na mga questions about sa mga topic na hindi pa namin na t-tackle. Alamin daw namin ang meaning nun, or any ideas about doon. Hindi open book. Hindi daw kami makakauwi hanggang hindi namin 'to natatapos. Buti na lang nag advance reading ako.
"Pakopya naman..."
Kunot noo kong tinignan si Andrew ng marahan niya akong sikuhin at ginamitan pa ako ng napakaliit na boses.
Hindi bagay. Ang sakit sa tenga. Nakakatakot.
"Oonga, Ab... friends naman kami ni Aldrin," ani Jaeden bago ako nginitian ng abot tainga. Ngumuso siya at sumandal sa upuan. "Kailangan talaga naming makaalis ng maaga."
Nilibot ko ang paningin ko. Kaming tatlo na lang ang nandito. Sumilip ako sa labas at may mga studyante pa naman. Pero nangunot ang noo ko nang makita na halos senior high ang mga 'yun.
Kinabahan ako.
Kinakabahan? Baka excited.
Makikita ko crush ko, eh.
I sighed before I offered them my paper. They both grinned. I rolled my eyes before saying, "'Wag niyong kopyahin lahat."
"Oo, promise!" Sabi ni Andrew bago sila nag simulang mag-sulat ni Jaeden.
Sumandal ako sa upuan ko at kinuha ang tumbler. Uminom ako at buntikan na masamid ng dahil sa gulat dahil may sumipa sa pintuan ng classroom namin.
"Ano ba 'yan!"
My eyes widen when I heard Gael. Ang lakas nung boses niya. At 'yung tono ng boses niya ay tonong mayabang, kagaya ng kay Kuya.
"Ingay naman," kunot noong sabi ni Andrew, seryoso sa sinusulat. Seryoso sa pangongopya.
"Ano ba 'yan, huh? Ang tagal niyo," may bahid na inis na sabi ni Gael. Mukhang hindi pa rin ako napapansin.
"Saglit lang naman 'to," kunot noong sabi ni Jaeden.
"Kayo na lang hinahanap," sabi ni Gael at naupo sa arm chair ko, napaatras ako. Hindi niya talaga ako napansin?! "Hindi ako sasama 'dun kasi—" hindi niya natapos ang sasabihin niya ng magkatinginan kami. Ang kaninang mayabang na aura ay biglang napalitan ng pagkagulat. "Abreu Gayle?"
"Hindi ka niya napansin kasi naiinis siya," sabi ni Andrew, seryoso pa din sa ginagawa. Tumigil siya saglit at tinignan ako. Umiling siya. "Nag-wawala siya, Ab. Turn off na 'yung mga gano'n, 'no?"
"Gago," mahinang sabi ni Gael. Tumayo kaagad siya ay humila ng isang upuan at umupo doon. Nang makaupo ay inayos niya ang buhok. Gusto kong matawa... Para kasing kinakabahan siya. Ganinto ba ang epekto ko sakanya? Ngumiti siya saakin. "Hi, Abreu Gayle."
"Biglang bait," natatawang sabi ni Andrew habang umiiling. "Ekis."
Gusto kong tumawa. Halatang nag-pipigil si Gael na gantihan ang pangangasar ng mga 'to.
"Tangina, tapos na," sabi ni Jaeden at binalik sa akin ang papel. Pinakita niya pa ang papel sa amin habang pinapagpagan ito at nakalabas ang dila.
"'Di pa ako tapos!" Sighal ni Andrew.
"Pwede na 'yan... 'Di naman babasahin ni Miss 'yan. Kay Ab lang 'yung babasahin nun," sabi ni Jaeden.
BINABASA MO ANG
What Makes Life Divine│Valiente #1
Ficção Adolescente(Valiente #1) There's nothing more important to Abreu than staying on the list of honorable mentions. Not until she met Gael, a senior high school student. She then, figured that she's starting to like him. Some girls at fifteen already had experien...