CHAPTER 17
"Bukas talent contest na. Wala pa rin kayong sayaw!" Sabi ni Zoe kay Andrew.
Tinuro ni Andrew si Jaeden. "Ba't 'di mo siya pagalitan?! Nakalista siya sa mga kasali pero hindi siya sumasama sa practice?"
"Debate ako," sabi ni Jaeden. Nakaikot ang upuan naming lima habang hinihintay na magsimula ang exam. May isang oras pa naman. Maaga talaga kami pumasok para makapag review ng magkakasama.
Kinamot ko ang ulo ko habang nag rereview para sa academic contest sa Math. Medyo nalilito pa ako.
"Paturo ka kay Jaeden," sabi ni Andrew. Jaeden glared at him. "Magaling sa math 'yan..."
Umiling ako. "Hindi, okay lang!"
Hindi ko na muna sila pinansin hanggang sa nagtutulakan na sila. "Turuan mo na—isa. Dalawa. Tatlo—lechugas ka Jaeden—tulunga—isa—"
And just like that, nasa tabi ko na si Jaeden. Andrew wasn't lying. He is indeed good at Math. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nagpapaka stupid siya sa lahat ng subject, eh ang talitalino niya naman.
Nangunot ang noo ko nang nagiging mabilis na ang pagsasalita ni Jaeden. Ang bilis rin ng kamay niya. Nakakunot ang noo niya at seryoso siyang nagtuturo. Wala naman akong naintindihan. Ayokong maoffend siya kaya tumatango na lang ako.
Sumandal ako sa upuan at nakangusong tumingin sa labas. Wala talaga akong maintindihan.
Nangunot ang noo ko nang makita si Kuya Benedict, Kuya Thomas at Gael sa labas. Nang makita ako ni Kuya Thomas ay siniko niya si Gael. Titingin palang sa akin si Gael ay nagiwas na ako ng tingin. I pursed my lips while nodding like I understand what the freak is Jaeden's talking about.
"Gets mo ba?" He asked.
Nagangat ako ng tingin sa kaniya dahilan para magiwas siya ng tingin.
I chuckled. "Nahihiya ka ba?"
Nangunot ang noo niya at tumingin ulit sa akin. Bahagya siyang tumawa kahit obvious naman na pilit at kinakabahan siya. "Luh. A-Ano? Kanino?"
"Nahihiya ka ba na ipakita na magaling ka sa math?" Tanong ko dahilan para lalong mangunot ang noo niya.
Nagkatinginan kami ng saglit bago malakas na tumawa si Andrew. Napatingin ako sa kaniya. Nagkwkwentuhan sila nung isa naming kaklaseng lalaki. "Alaws alam!"
Tumawa si Jaeden. "Nahihiya ako sa'yo kasi matalino ka. Mamaya masabihan mo ako ng bobo kasi mali tinuturo ko—"
"Hindi naman ako gano'n..." kunot noong sabi ko.
Sa tingin niya ba na ganoon ang sasabihin ko? Bakit? Kasi gano'n sina Belle at Louise? I sighed before taking the book away from him. I tried answering the problems again kahit wala talaga akong naintindihan sa explanations ni Jaeden na pagkabilis-bilis na kapwa mathematician niya lang rin ang makakaintindi.
He nudged me. "Joke lang!"
"Ha?" Pagkukunwari ko.
"Hat—"
"Habambuhay kang tanga!" Andrew said to Jaeden. Maski ako ay napatakip sa boses niyang napakalas. Sinamaan siya ng tingin ni Jaeden pero tinawanan lang siya ni Andrew. "Eprot atupma!"
Nangunot ang noo ko. What language do they use...
Kunot noong umiling si Jaeden. Gusto kong matuwa. Napipikon din pala siya? Ang lakas niyang mantrip tapos napipikon rin pala siya?
![](https://img.wattpad.com/cover/231313353-288-k58643.jpg)
BINABASA MO ANG
What Makes Life Divine│Valiente #1
Novela Juvenil(Valiente #1) There's nothing more important to Abreu than staying on the list of honorable mentions. Not until she met Gael, a senior high school student. She then, figured that she's starting to like him. Some girls at fifteen already had experien...