CHAPTER 11
Masakit. Basta... Masakit. Hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko. Kung hiya ba o 'yung sakit nung braso ko.
"Nag-pasa," sabi ni Gael at nilagay ang cold compress sa kanang braso ko. Tinignan ko ng masama ang kambal na sinusubukan akong silipin sa labas ng clinic. Nginitian nila ako at nag peace sign bago nag unahang umalis. "Masakit?"
Umirap ako. "Obvious ba?"
He chuckled.
"Ano ba ginawa nila? Bakit ka naitulak?" Tanong niya. Napangiti ako ng makita ang nakakunot na noo niya habang dinadampian ng cold compress ang balikat ko.
Nakakahiya ang nangyari kanina.
Pero mas nangingibabaw ang kaba at kilig nang makita ko ang paglapit ni Gael sa akin kanina. Ramdam ko ang pag iingat niya nung paupuin niya ako. Parang nag dadalawang isip pa nga siya kung hahawakan niya ba ako o ano.
"They were teasing me," I replied. He didn't even glanced at me. Mas nag f-focus siya sa pasa ko. Bahagya akong umatras dahilan para mapatingin siya sa akin, nakakunot pa rin ang noo ko. Ngumiti ako. "Pasa lang 'to..."
Kung makapag focus ka naman ay akala mo ay napakalalim na sugat ang ginagamot mo. 'Wag ganon, Gael... kinikilig ako.
"Kahit na," aniya habang nakangiwi.
Tinawanan ko ang naging reaksyon niya.
"I'm fine," I said before I jumped down on the table I was seating.
"Sure ka?" He asked. Lumingon lingon siya at mukhang hinahanap ang nurse. Wala kasi ang nurse kanina ng dalhin niya ako rito.
"Sure," I said before putting my blazer on.
"Kumain ka na ba?" He asked, looking at his watch.
I smiled. "Mamaya na lang siguro. Ten minutes na lang, eh."
"Makakain ka pa naman sa ten minutes na 'yun," aniya.
Ngumiti ako at umiling.
Wala naman na siyang nagawa. Hinatid niya na lang ulit ako sa classroom. Naiilang pa rin ako sa mga matang sumusunod saamin tuwing mag-kasama kami. Hindi ko alam kung kami, o siya ba ang tinitignan. Nakakaagaw talaga ng atensyon si Gael kahit na naglalakad lang naman siya.
"Hoy, walang sumbungan, ah!" Ani Andrew habang nakatingin kay Gael. Nang magkatinginan kami ay nginitian niya ako. He scrunched his nose before waving at me, "Sorry, Abreu."
Sarkastiko akong ngumiti bago nilingon si Gael. "Thank you," I said before entering the classroom. Nakita ko kaagad si Jaeden na ganon rin ang ginawa, ngiti at kaway. Nag sorry din siya. Nang pumasok naman si Andrew ay nag sorry nanaman sila. Ngiti sila nang ngiti hanggang sa magkulitan na sila sa harap ko. Nag batuhan sila ng jokes sa harap ko. Pinipigilan ko na lang talaga ang tumawa.
"Ano bang nangyari?" Tanong ni Zoe ng makalapit siya saakin. "Ayaw nilang sabihin. Na g-guilty daw sila t'wing naalala nila."
Natawa ako.
Siguro kapag nalaman ni Kuya... magagalit talaga 'yun.
Napaka-OA pa naman nun.
"Ano? Sama ka?" Louise asked. Hindi ako nagsalita. I just stared at her.
"Sama ka na! Papakilala ka namin kay Sandra," nakangiti niyang sabi. Hindi pa man ako nakakasagot ay hinila na niya ako hanggang sa makalapit kami kela Belle at Sandra. "Sandra! Si Abreu."
BINABASA MO ANG
What Makes Life Divine│Valiente #1
Teen Fiction(Valiente #1) There's nothing more important to Abreu than staying on the list of honorable mentions. Not until she met Gael, a senior high school student. She then, figured that she's starting to like him. Some girls at fifteen already had experien...