12

241 12 1
                                    

Aching To Love You: 2yeon part 12

~
Tatlong buwan ang lumipas, ginugol ni Jeongyeon ang kanyang atensyon sa paggawa ng vase, glass, porcelain. Hindi matanggal sa isipan niya ang nasaksihan niyang proposal ni Minhyuk kay Nayeon.

Jeong: Irene, magdedeliver na ako ng mga order. Babalik din ako agad.
Irene: Sige, ingat. Ako na ang bahala sa mga kliyente.

Maliit lang ang shop nila ngunit dinudumog ito ng maraming tao. High quality at malinis ang mga produkto nila kaya dinadagsa.

Sumakay na siya sa truck at pina-andar ito. Dahan dahan ang kanyang pagmamaneho dahil baka mabasag ang mga dala niya. As he slowly reached the city, his heart shattered on what he sees.

"Supermodel Im Nayeon was engaged to Lee Minhyuk, a well known videographer at Los Angeles and South Korea"

Hindi niya matiis ang sariling wag tingnan ang announcement na iyon sa city LED digital board. Kung hindi niya nabalitaan sa TV na isang model pala si Nayeon ay hindi niya pa malalaman na sikat pala ito.

Pamilyar na sa kanya ang itsura ni Nayeon ngunit hindi niya maalala kung saan niya ito nakikita. He searched all about her and saw how famous she is around the globe. Advertisements and such at the billboards with her face.

Jeong: I see…you chose to accept your cheater partner…

Inalis niya ang tingin sa digital board at saka nagpatuloy sa pagmamaneho. Hindi niya alam kung magkikita pa sila dahil nasa ibang bansa na ang dalaga bago I-announce ang engagement nila. Mukhang doon na rin naman sila magpapakasal, it’s just a shame that he can’t even pay her a visit.

Nakarating na siya sa isang bahay kung saan may nag order ng potteries. Kinuha niya ang kahon sa likod at binuhat ang isa nun. Pinindot niya ang door bell. Nakarinig naman siya ng pagbuksa ng pinto at inuluwa nun ang isang babaeng nasa mid 20’s. kaedad rin niya.

Jeongyeon: Delivery po. Nariyan po ba si Mrs. Reyes?
Hayoung: Sandali lang.

Tumango siya at ngumiti.

Jeong: Ang ganda naman niya.

Ilang sandali pa ay lumabas na ang ginang at pinapasok ang kahon sa loob ng kanilang bahay. Sinabihan siya na wired na ang bayad kaya napagdesisyunan na niyang umalis. Si Hayoung na ang naghatid sa kanya sa gate.

Hayoung: Salamat.
Jeong: Salamat rin po miss….?
Hayoung: Hayoung.
Jeong: You’re pretty Hayoung. I’m Jeongyeon.
Hayoung: Nice to meet you. Salamat.

They exchanged phone numbers and he left. Nakangiti niyang tinungo ang sasakyan. Ngunit bago pa niya mabuksan ang pinto sa truck, nakita niya ang babaeng akala niya'y nasa ibang bansa.

Jeong: Na...nayeon...

Si Nayeon nga.. walang nagbago sa kanya maliban sa mas gumanda ito. Her presence exudes so much aura and and it hit him really really hard. Dun na sa puntong para siyang natamaan ng ligaw na bala. Unexpected and painful.

Gusto niyang lapitan ang dalaga ngunit bago pa mangyari iyon ay nakita niya si Minhyuk na umakbay rito. They looked really happy...at nasasaktan siya.

Hindi man lang niya naipagtapat na may gusto siya rito. Huli na ang lahat. Kitang kita na niyang bagay sila ng fiancé niya. Sumakay na siya sa truck at nagdrive na.

Jeong: Bakit nakaharang pa sila sa daan? Tsk.

Pinapanalangin niyang hindi siya mapansin ng dalawa. Hindi pa man din tinted ang truck kaya malabong mangayari iyon.

Nayeon saw him. Ngunit hindi na nalingon ni Jeongyeon dahil pinatulin niya ang takbo ng sasakyan. Nasasaktan siya, gusto niyang ibangga ang sinasakyan niya.

Aching To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon