Aching To Love You: 2yeon part 21
~
Kumirot ang puso ni Jeongyeon sa sinabi ni Nayeon. Hindi man lang hinayaang magpaliwanag. Alam naman niya ang dahilan kung bakit ganoon ang sinabi sa kanya, ngunit hindi pa rin natakpan ang katotohanang narinig niya iyon mula sa dalaga.
Inalalayan si Nayeon ng kanyang driver at sinakay sa kotse. Pinanood niya lamang ang pag alis ng sasakyan.
Rio: Jeongyeon...s-sorry..mas nagalit ang girlfriend mo dahil sa akin.
Jeong: Hindi..okay lang yun. Ako na ang bahala sa kanya.Hindi niya mapigilang hindi mainis. He can't blame Rio, pero sa totoo lang ay mas lumala ang paninibugho ng dalaga dahil sa kasama niya.
Yeri crossed her arms and looked at them suspiciously. Nilapitan ito ni Jeongyeon. Kahit man lang sa kaibigan ng dalaga ay makapagpaliwanag siya.
Yeri: Sino yang kasama mo?
Jeong: Katrabaho ko siya.
Rio: Hello po, sumama ako kay Jeongyeon para sa magsorry kay Ms. Nayeon. Pero mas lumala lang pala...
Yeri: Nayeon thinks you're cheating on her. May narinig raw siyang boses babae habang magkausap kayo.
Jeong: hay...Nayeon..
Yeri: You can't blame my friend. Kahit na naging paranoid mag isip yun dahil sa narinig, hindi mo siya masisisi. Pinatay mo agad ang tawag matapos niyang marinig yun.
Jeong: Busy talaga ako. Hindi ko siya makausap ng maayos ilang araw na ang nakakalipas.
Yeri: Don't explain at me. Sa kanya mo sabihin yan. Pero wag ngayon, give her time. If she's having a doubt, don't push her. Mas lalala lang. At sa susunod, excuse lang ah? Anong pangalan mo?
Rio: Rio po.
Yeri: Don't po me. I look younger than you🤨. Sa susunod, wag ka ng sasama kay Jeongyeon kapag pupuntahan niya ang kaibigan ko. You don't know what she'll do if see you again. Hindi mo siya kilala.
Rio: 😨 O-okay po...Natakot si Rio sa sinabi ni Yeri. She looks like monster speaking for Nayeon. Maski si Jeongyeon ay nagulat sa sinabi nito.
Jeong: Wag mo naman bantaan si Rio. Nagmagandang loob lang yung tao.
Yeri: but the result of that good deed isn't what you expect to have. Mas lalo lang lumala ang problema niyo.
Jeong: Yeri--
Yeri: I'm busy. Don't hurt my friend again. I have a bunch of gangs out there. Ciao!Umalis na si Yeri't pumasok sa club. Si Jeongyeon naman ay nanakit lang ang ulo. Hindi na niya alam ang gagawin niya. Hindi niya alam paano siya babawi kay Nayeon.
Nakita niya kung gaano kasakit ang naramdaman ng dalaga sa pamamagitan ng mga mata niya. Ang mga luhang iyon ay senyales ng sobrang sakit na nadama.
Rio: Okay ka lang?
Jeong: okay lang..
Rio: Mabuti pa ay uuwi nalang ako.
Jeong: Gusto mo samahan na kita?
Rio: Sigurado ka?Naisip naman agad ni Jeongyeon ang nobya. Baka pag nalaman ay mas mag away pa sila.
Jeong: Hindi na pala. Baka hindi kami magkaayos ni Nayeon e.
Rio: Sige, mauna na ako.
Jeong: Mag ingat ka.Tiningnan nya lang ito habang makasakay sa taxi. Napasabunot siya ng buhok. Puyat at pagod siya pero heto, namomoblema paano babawi. Naiinis siya. He's physically and mentally exhausted.
Jeong: Bakit ba sabay sabay ang lahat ng ito?
Paano siya papasok nito? Kapag may kakaiba siyang ikinilos ay malalaman agad ng TL nila. Ang team leader nilang iyon ay isang psychologist. Kaya nitong masense ang behavior nilang hindi normal at hindi akma sa trabaho.
They're really a wacko.
Lantang gulay na umuwi sa bahay si Jeongyeon. Hindi na siya nakakain. 11 AM ang duty niya, sa tingin niya ay sapat na iyon para masuyo ang dalaga. Aagahan na lamang niya ang gising.
BINABASA MO ANG
Aching To Love You
Fanfiction[COMPLETED] Nayeon is love with herself and there is this man, Jeongyeon who wanted to be loved by her.