This story contains spoilers for Red String of Fate.
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names of characters, places, events, businesses, and incidents are from the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual places, events, people, etc is coincidental.
The story also contains strong language, mature content, and violence that may not be suitable to young readers. Read at your own risk.
***
"Hello? Tulungan niyo po ako, p-please. Papatayin ako ng asawa ko."
Pabulong akong umiiyak at tumawag sa mga pulis dahil nanganganib ang buhay ko. Agad ko iyong ibinaba at itinago sa ilalim ng kama dahil rinig kong papalapit na si Dan. Nakita ko siyang may hawak na basag na bote.
"Dan, please. P-please, ibaba mo 'yan."
Umaatras ako dahil inilalapit niya sa akin ang basag na bote ng alak. Mayroon na akong sugat sa binti at mga braso dahil sa mga bagay na ibinato niya sa akin. Hindi na rin ako makakita nang maayos dahil sa namamaga na ang mga mata ko.
"Kung gaano ka-misirable ang buhay natin ngayon, dahil 'yun sa iyo, Reese." Sabi niya at lalong humigpit ang hawak sa bote.
Hindi na ako makaatras dahil naabot ko na ang dulo ng kwarto. Patuloy ang malakas ng pagkabog ng dibdib ko dahil sa kung ano ang pwedeng mangyari pa.
"Hindi ko rin ginusto 'to, Dan. Please, parang awa mo na, tama na." Unti-unti akong lumuhod at nagbakasakaling ititigil na niya ito.
Hindi ito ang unang beses. Pero hindi ko magawang magsumbong o magsabi noon dahil ayokong may mapahamak pa. Mas mabuti nang ako lang ang nasasaktan. Hindi ko kayang may iba pang masaktan dahil sa mga desisyon ko sa buhay.
Napayakap ako sa tuhod nang basagin niya sa pader ang boteng hawak niya. Nakita ko siyang lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. Nagiging mahigpit na ang hawak niya.
"Papatayin kita." Bulong niya sa akin kaya napapikit ako habang tumutulo ang luha.
Binitawan niya ako at umalis sa kwarto kaya agad kong kinuha ang cellphone kong itinago ko sa ilalim ng kama para humingi na ng tulong. Hindi ko alam kung narinig o naintindihan ba ako ng mga pulis. Kilala ko si Dan, hindi malayong totohanin niyang patayin ako.
Hindi ko alam kung sino ang natawagan ko pero agad na akong pumindot ng kung sino ang nasa speed dial ko.
Nagdadasal ako at nanginginig habang nagriring ang telepono ko.
[Op? Bakit, sis?] I heard Thea. Hindi ko alam kung paano ako mag-uumpisa at kung paano ko sasabihin.
"Thea, I..." Napatigil ako sa pagsasalita ng marinig kong papasok na si Dan.
"Sino 'yan?" Nagngangalit ang mga mata niya at inagaw ang telepono sa akin bago ibinato sa pader.
YOU ARE READING
Abyss of Gold (Colours of Love #2)
RomancePeople will always know gold to be beautiful and elegant. Every good adjective can be used to describe gold but what if, on the other side, it has a depth of unknown mess and chaos? What if gold has its abyss? Will it still be beautiful? Reese Thery...