Lascivious Casanova 01

176K 1.6K 194
                                    

READ THE WARNING!
READ THE WARNING!
READ THE WARNING!
________________________________________

This is a work of fiction, products of the Author's imagination. Any resemblance to actual persons or actual events is purely coincidental.
_________________________________________

It contains sensitive scene and only for mature readers. Expect grammatical errors, spelling, and typos. I write offensive plots. If you are easily offended or not ready for mature or offensive contents, my stories are not suitable for you.

NO SPOILER PLEASE! Or if you're itching to spoil, put a warning above the comment.

MATURE CONTENT!
READ AT YOUR OWN RISK!
__________________________________________

(LC) Chapter 01

Dismayado akong nagbuntonghininga nang madaanan namin ang grupo na nag-iinuman. Nasa loob kami ng eskwelahan ngunit hindi sila nahihiya na ipangalandakan ang ginagawa nila. Ano ba ang nakukuha nila diyan sa alak at hindi nila matigilan?

"Tawagin mo sila Harry. Sabihin mo may mga nag-iinuman na naman."

"Eh? Ayoko! Baka ako ang mapagdiskitahan ni Jaxsen kapag nalaman na nagsumbong ako!"

Inilingan ko si Irene na pinaglalaruan ang laylayan ng blouse uniform niya. Nakababa ang tingin dahil ayaw akong sundin.

"Ako na!" Sabi ko at umikot para bumalik sa kuwarto na nilabasan namin.

Nakasunod si Irene sa akin. Kapag nililingon ko naman ay umiiwas ng tingin. Alam ko na gusto niya akong pigilan hindi dahil sa ayaw niyang pagdiskitahan siya ni Jax kundi dahil alam ko na malaki ang pagkagusto niya sa lalaki na iyon.

"Ano ba ang nakikita n'yo sa lalaki na iyon? Ang daming bisyo at basagulero."

"Ang ilap niya kasi sa babae! Parang ang laking premyo kapag napansin ka!" Kinikilig na sabi niya sa huli.

Umiling ako at ngumiwi sa kaniya.

"Hindi mo ba nakita ang ginagawa niya?" Turo ko sa nilagpasan namin kung nasaan ang mga nag-iinuman.

Napanguso siya at umiwas ulit ng tingin. Namumula ang pisngi at parang nagpipigil ng hagikgik.

"Nag-iinuman sila at nagsisigarilyo. Ang narinig ko kahapon lang nakipag-basag ulo na naman sa labas." Dagdag ko pa.

Tinitigan ko siya na para bang nababaliw na siya nang humagikgik siya sa kabila ng mga masasamang gawain nito na sinabi ko.

"Ano ka ba, Clem! Ang hot nga niya, eh!" Tili niya. Namumula at humawak pa sa magkabilang pisngi niya.

"He's not hot. He's a bad guy."

Tinulak ko pabukas ang pintuan at nakita na nag-uusap ang mga estudyante na inatasang magpaayos ng mga panuntunan sa paaralan.

"May mga nag-iinuman sa dating puwesto. Kaya bang mahuli ngayon?"

Nagkatinginan kami ni Harry. Lumapit siya at hinawi ang buhok ko na nasa balikat.

"Dating grupo ba?"

Tumango ako at nagkibit-balikat. Wala pa kasi sa kalahati ng taon ay ilang beses na 'yung nababalita na nag-iinom at nakikipag-away. Madalas may band aid sa mukha at amoy alak.

"Sasama ka?" Tanong ni Harry, kababata ko at kapitbahay.

"Oo. Sana mahuli niyo na ngayon. Palagi na lang nakakatakas sa inyo ang mga iyon."

Tumawa siya at inakbayan ako. Sinama niya ako palabas kasama ang mga estudyanteng opisyal ng eskwelahan. Palapit palang kami kung nasaan ang mga nag-iinom, naririnig na namin ang mga ingay nila at nalalanghap na ang amoy ng sigarilyo.

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon