CHAPTER ONE

765 16 0
                                    

Kelly

"Looks who’s here, buti nakarating pa kayo!" bungad samin nung kaibigan ni Zach.

Nasa bagong Bar kami ngayon na pagmamay-ari nung kaibigan niya. Panay ang tingin ko sa mga tao at nilibot ko rin ng tingin ang buong Bar. Nahiya pa'ko sa suot ko. Imagine yung t-shirt ni Zach ang suot ko at naka maong short pa'ko with my Vans rubber shoes. Nakahawak ako sa braso ni Zach kaya napatingin sakin yung kaibigan ni Zach na matangkad at Pogi rin.

"Oh… Man, Is this your Girlfriend?"

Tanong nung kaibigan niya at napangisi. Hindi ko maiwasang mamula dahil sa klase ng tingin nung kaibigan niya. Hindi sumagot si Zach at napatango lang. I sighed, buti nalang at hindi niya ako tinanggi.

"Hi, I'm Carl Andres. You are?" Tanong nung kaibigan ni Zach. ngumiti ako sa kanya.

"Hello… I'm Kelly Amorsolo. Nice to meet you." Sabi ko at ngumiti uli. Ngumiti rin ito at napatingin kay Zach na hindi naman kumikibo.

"Tara sa Table namin." Sabi ni Carl. Sumunod naman kami ni Zach.

Nagtungo kami sa VIP Room. May mga babaeng nakatingin kay Zach at kinikilig pa. Napatingin ako sa suot nila. Parang kinulangan ng tela ang damit nila. Ang sagwa tingnan. Napa iling nalang ako saka tumingin sa table na sinabi ni Carl. Tapatigil kami sa harap nung table at napansin kong may mga nakaupo ritong mga naggwagwapuhang kalalakihan. Sila yung Kaibigan ni Zach na pinakilala niya nuon sa'kin. May Apat na Babae ring naka upo duon. Limang lalaki silang nakaupo roon at nakatingin sila samin. Sobrang nahihiya ako kaya napakapit ako sa braso niya. Hindi naman siya nagreact.

"Uy! Bro!"

“Man!”

Napatayo yung limang lalaki at isa-isa silang bumati kay Zach. Napalayo nalang ako kay Zach at hinayaan lang sila. Para silang hindi nagkita ng maraming taon. Nakakatuwa na makitang tumatawa si Zach at ng mga kaibigan niya. May kirot lang sa puso ko dahil hindi ko pa siya nakita na ganyan ka saya sa piling ko. Siguro, kaya hindi ko yun nakikita kasi hindi ko siya nakakasama at malayo siya sa'kin?

Kakaiba siya ngayon sa Zach na sobrang Cold.

Mas masaya siya pagkasama niya ang mga kaibigan niya kesa Sa'kin. Napangiti nalang ako ng mapakla. Kung bakit ba kase hindi ako dito pinanganak? Eh di sana magkasama kami araw-araw... Pero malabo ng mangyari iyon…

Isang taon na ang relasyon namin ni Zach at pakiramdam ko parang ngayon lang kami nagkasama. Once or twice lang naman kami magkasama sa isang buwan. Naiintindihan ko naman dahil may trabaho siyang inaasikaso at hindi maiwan iwan. Hindi naman maliit na negosyo ang hawak niya kungdi sobrang laki panga nito sa inaakala ko. Ang yaman niya at pakiramdam ko lahat ng makakakita sa amin ay ang tingin ay pera lang ang habol ko. Hindi nga kami bagay. Ako naman ay nag-aaral sa kolehiyo. Kaya pareho kaming busy lalo pa't apat na taon na rin ako sa kursong Bachelor in Information Technology. Mahirap pero kinakaya kong pagsabayin. Minsan pa nga ay nakakalimutan kong may nobyo nga pala ako. Nakakalimutan ko dahil hindi naman kami madalas magkita at bihira lang siyang magtext sa'kin. Magtetext lang siya pagsusunduin niya ako. Open naman ang relasyon namin sa pamilya ko. Ayos lang sa kanila si Zach. Hindi porket mayaman si Zach ay pera na niya ang habol namin. Ang mga kapit bahay kasi namin ay yan ang tingin sa pamilya ko. Naiinis ako at nakakainsulto rin yun.

Napabalik ako sa realidad ng may humila sakin patalikod at Hinapit ako sa bewang. Napatili ako at humarap sa lalaking humila sakin. Nagulat ako ng ibang lalaki ang humila sa'kin at lasing pa.

"M-miss...ang b-bango mo naman…hmmm..." sabi nito at agad kong inilayo ang pisngi ko sa kanya.

"Bitawan mo ko!"

Nagpupumiglas ako sa kapit niya. Asan na ba kasi yung Zach na yun! Naiiyak nako at nagmamakaawa sa lasing nato.

"P-pakiusap b-bitawan m-mo nako!"

Gamit ang buong lakas ko ay itinulak ko siya dahilan para makawala ako sa kapit niya. Tumakbo ako at hindi alam kung san pupunta. May mga nabubunggo ako dahil hindi ko rin makita ang daraanan ko. Dim light kasi dito sa loob ng Bar. Nang mahalagilap ko ang pinto ay tumakbo ako palabas nun. Nagtataka pa ang bouncer sa itsura ko. May punit ang damit ko at ang buhok ko naman ay magulo dahil sa sinabunutan ako nung lasing.

Hindi ko alam kung hinahanap ako ni Zach. Wala akong dalang phone kasi na iwan ko sa Condo niya. Maraming mga tao rin ang nakatingin sa'kin at mukhang diring diri sila sa'kin. Ganito ba dito? Iyak lang ako ng iyak at hindi alam kung saan pupunta. Naglalakad ako sa kalsada at hawak ng mahigpit ang damit ko. Maski ako ay Diring diri sa sarili ko. Kahit pa hawak lang iyong ginawa nung lasing ay nandidiri na'ko. Naaawa ako sa sarili ko. Ba't pa ako sumama...

Gusto ko ng umuwi samin. Ayoko na rito...

Napahinto ako sa paglalakad ng may humawak sa braso ko. Nagulat ako at napasigaw. Hindi ko na kakayanin kung isnatser or reypis pa ito!

"Please... po bitawan niyo ko…" sabi ko nang umiiyak. Nangiginig ang buong katawan ko sa takot.

Naramdaman ko nalang na may yumakap sakin at napahagulgol ako nang mapagtatanto kung sino yun.

"Shhh...Its okay..You're safe now..I'm here..." Rinig kong bulong ni Zach...

Cold Billionaire's AmanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon