Kelly
Kinaumagahan ay sobra ang mugto ng mga mata ko. Para akong kinagat ng mga bubuyog sa mata. Buti na lamang ay wala akong klase ngayon. Mga requirements nalang ang ipapasa sa school at tapos na ang mga lectures at exams.
Bumaba ako para mag agahan. Si mama at ang mga kapatid ko nalang ang nadatnan ko sa ibaba. Ang dalawang kapatid ko ay naglalaro ng ML dahil nga wala nasilang pasok ay natambay nalang sila sa bahay o di kaya ay sa labas para mag laro ng basketball. Napahinga ako ng maluwag ng busy silang dalawa kaya hindi nila ako maaasar sa itsura ko ngayon.
Wala sa kusina si mama kaya tahimik akong naupo at naghanda nang makakain.
Habang kumakain ay napansin kong nag beep ang aking cellphone. Tiningnan ko ito at may nagtext. Muntik na akong mabilaukan nang makitang si Zach pala ang nagtext.
Agad akong uminom ng kape at binasa ang text niya.
From Zy-Zy
‘Hey, good morning.’
Napatulala nalang ako at hindi alam ang gagawin. Sobrang aga pa para kiligin. Nagpipigil akong ngumiti dahil natutuwa ako. Kasi first time na bumati ito sa text.
Para akong kinakabahan na ewan at parang may kumikiliti sa tiyan ko. Siguro bulate lang to. Isang text lang niya ay halos maglupasay ako sa sahig. Hindi ko alam kung bakit gan'to nalamang akong magreact sa kanya.
Nag type ako ng sasabihin habang kinakagat ang ibabang labi ko.
To Zy-Zy
‘Goodmorning din’
Nang maisend ang text ko ay saka lamang ako nakahinga ng maluwag. Hindi ko alam na di napala ako humihinga habang nagtetext sakanya. Gan'to ba talaga ang epekto ng lalaking to sakin? Para akong baliw.
Ilang sandali pa ay walang reply akong natanggap. Napasimangot ako at tinuloy nalang ang pagkain. Maya’t maya ang pag tingin ko sa screen ng phone ko. Chini-check kung nagtext na ba siya.
Hanggang sa natapos akong kumain ay wala paring reply.
Napabunga nalang ako ng hangin at nagsimulang linisin ang pinagkainan ko. Habang naghuhugas ay biglang may kumatok sa pinto namin.
Hindi ko maiwan ang hinuhugas kaya tinawag ko si Cedrick para silipin kung sinuman ang nasa pinto.
“Cedrick, pakitingnan naman kung sino yung kumakatok”
“Enemy has been slain!”
Rinig kong sigaw ng bunso namin.
“Ate mamamatay tong badang ko. Ikaw nalang.”
Napakunot ang nuo ko at napa iling nalang. Naadik na nga ang dalawang yun sa Mobile Legends. Kahit utusan ay ayaw ng kumibo.
Nagpunas ako ng kamay tsaka tinahak ang pinto. Hindi ko na pinansin kung anong itsura ko. Bahala na.
Pagbukas ko ay nagulat ako.
Kulang nalang ay lumuwa ang mata ko sa nakita.
Shet, di ako naka pag ayos. Mugto pa ang mata ko.
Napabalik nalang ako ng nakalapit na ito sa’kin.
“Hey, what happened to you?” Nakakunot nitong sabi.
“Ha?” tanging sagot ko. Napipi na nga ang lola niyo. Ano ba naman ito. Bat sa gan'tong pagkakataon pa?
Lalo lang niya ako tinitigan. Walang mababakas na anumang ekspresyon sa mukha nito.
Para bang sinusuri ako.
“Ah, Ano palang ginagawa mo rito” Sawakas ay nahanap ko rin ang boses kong nawawala.
Hindi ako makatingin sa mata niya kaya sa balikat nalang ako nakatingin.
Para akong natutuliro sa bango nito at napakagwapo nito ngayon. Nakasuot siyang blue long sleeve na ang manggas ay nakatupi hanngang siko nito. Naka dark pants rin ito.
Sabihin niyo kung sinong hindi mahihiya sa taong kaharap ko ngayon.
“Here.” Abot nito sa’king bulaklak.
Tiningnan ko ito. Mukhang mamahalin at talagang paboritong bulaklak ko nga ito. Biglas bumilis ang pintig ng puso ko ng mapagtantong naalala niya ang paborito kong bulalak. Pinaghalong Tulip at Red rose ang bulaklak na binigay niya.
Hindi ko maiwasang mapangiti.
“You like it?” Zach
Tumango lang ako at ginaya siya papasok sa loob ng bahay.
Hindi ko alam kung anong pakay niya pero natutuwa ako na kahit sa ganitong maliliit na gesture niya ay ramdam ko ang sinseridad. Kuntento na ako. Ang ilan sa bigat na nararamdam ko ay unti unting na babawasan. Ang mahalaga ay nandito siya.
Napatayo ang dalawa kong kapatid ng Makita siya.
“Uy, kuya long time no see!” Carlo
“Kuya, gan'tong itsura ba ang gusto mo?” Cedrick sabay turo sa mukha ko.
Binatukan ko naman ang kapatid ko. Nakakahiya eh.
Nakita kong bahagyang umangat ang gilid ng labi ni Zach ng mapatingin sa akin.
“Yeah. She’s still beautiful no matter what.” Zach
Hindi ko maiwasang mamula at mag iwas ng tingin sa kanya.
“Maupo ka muna. Maliligo lang ako saglit.” Paalam ko. Tumango lang siya at tumabi kay Cedrick na nag lalaro.
Saglit ko siyang tinitigan tsaka nagpasyang umalis para maligo. Nakakahiya naman sa kanya.
Nang maisara ko ang pinto ng kwarto ko ay agad akong napahinga ng maluwag. Rinig ko pa ngayong ang lakas ng pintig ng puso ko. Hawak ang bulaklak na bigay niya ay tinapat ko ito sa ilong ko at inamoy. Ang bango at fresh pa ang mga ito. Kumuha ako ng extra vase tsaka nilagyan ng tubig sa banyo. Lumabas ako ng banyo saka deretsong nilagay ang vase na may bulaklak na ngayon. Inilagay ko ito sa side table ko. Napakaganda.
Napangiti ako at nailing na nagtungo sa banyo.
Nang matapos akong maligo at magpalit. Isang simpleng white shirt at maong pants lang ang suot ko. Wala akong bagong damit kaya ito nalamang. Okay pa naman ito. Nang matapos akong magsuklay ay iniwan ko nalamang basa ang buhok. Sanay na ako dahil matutuyo rin naman agad ito. Nagbulbos at nag apply rin ng kaonting lip tint. Gusto ko namang maging maganda syempre.
Hindi narin ganun kamaga ang mga mata ko kaya mas naging okay na ang itsura ko.
Pag baba ko ay nagbigla na naman sa nakita. Bakit nalang lagging ganito? Sinasadya ba nilang atakehin ako sa puso?
“Now, she’s finally here.” Nakangising sabi ni Jacob
Matalim siyang tiningnan ng kambal niyang si Zach.
Lumapit ito sakin at hinawakan ako sa kamay.
“She’s mine. So back off dickhead!” Zach
Pinagsaklop niya pa ang aming kamay. Natulala muli ako sa sinabi nito.
Anong nangyayari?
BINABASA MO ANG
Cold Billionaire's Amante
RomanceA bachelor named Thomas Zachary Mortez a CEO of Mortez Group of Company (MGC). Aside from his company, He even owns a Multi-billionaire 5 star Hotel and restaurants all over the country named High Lux. At the age of 24 he managed his company by his...